One-on-one with Marc Pingris | Bandera

One-on-one with Marc Pingris

Eric Dimson - September 28, 2013 - 03:00 AM


MAHIGIT isang buwan na nang magtapos sa pangalawang puwesto ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Championships.Pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ng sambayanang Pilipino ang kabayanihan ni Marc Pingris na tinulungang umangat ang Gilas Pilipinas kontra Korea sa semis.Nakausap ni Bandera correspondent Eric Dimzon si “Ping” at narito ang kanyang sinabi.

Ano ang pakiramdam na nakasama ka sa Gilas Pilipinas at nag-second place sa FIBA Asia Championships?
Masaya dahil lahat nang pinaghirapan namin, nagawa namin sa game. Sobrang saya na nakapasok tayo sa World Cup. Napakasarap talaga ng feeling.

Maituturing mo bang highlight ng iyong basketball career ang FIBA Asia?
Oo naman. Special talaga ang FIBA Asia. ‘Yun ‘yung pinakamataas na level na naglaro ako. Marami na rin akong napagdaanang championship series. Pero iba talaga ang FIBA Asia. Kahit na natalo kami sa finals, iba pa rin.

Inasahan mo bang makakakuha ng FIBA World Cup slot ang Gilas Pilipinas?
Nung papunta pa lang kami ng Lithuania, sinabi na namin sa isa’t-isa na kaya namin. ‘Yun ‘yung sinasabing di naman bawal mangarap. Pero at the same time, pinaghirapan din namin ang aming pangarap.

Alam ko na mahirap, lalo na malalaki ang kalaban. Pero nag-focus kami talaga sa practice at ginusto talaga naming manalo. Kaya maganda ang kinalabasan.

Ano sa palagay mo ang pinakamatinding dahilan kung bakit nakapasok ang  Gilas sa World Cup?
Nandyan ‘yung naghirap kami sa practice. ‘Yung family and friends namin na walang sawang sumuporta. Pero iba talaga na buong Pilipinas ang sumuporta sa amin.

Kahit bumabagyo, nandun ang mga kababayan natin, bumubili ng ticket para sumuporta. Ang sarap ng feeling pag alam mo na suportado ka ng iyong mga kababayan.

Ano ang pinakamahalagang aral na natutunan mo sa FIBA Asia?
Siguro, una na dyan ‘yung pagmamahal sa sariling bayan. Naglaro kami hindi para sa pangalan sa likod ng jersey namin kundi sa harap. Pilipinas talaga ang dinala namin.

Walang Pingris, walang Japeth Aguilar. Pilipinas lang.  Sabi nga ng karamihan, kung hindi dahil kay Pingris, hindi mananalo ang Pilipinas sa Korea sa semis. Ano ba ang nangyari at biglang umangat ang laro mo sa FIBA Asia?

Siguro, nagtutulungan lang kami sa isa’t-isa. Kung down ang isang player, tinutulungan namin siyang umangat. Tulad nang nangyari kay Gary (David), nandun pa rin ang suporta namin sa isa’t-isa. Ganun kasi sa team, parang magkakapatid.

Ano ang pinakamahirap sa training ng Gilas?
Para sa akin, ‘yung nag-tune-up games kami sa Australia at Lithuania. Matatangkad sila at sobrang athletic. Tapos ‘yung baby ko, umiiyak na at laging nag-aantay sa pinto.

Pag may dumating, akala niya ako na. Nung kinukuwento sa akin ng wife ko ‘yun, parang gusto kong umiyak. Pero ginusto namin maging part ng team kaya kinailangang magtiis.

Twice a day kami kung mag-practice during FIBA Asia. Kahit may laro sa gabi, practice pa rin sa umaga.

May nagbago ba sa iyo matapos ang FIBA Asia?
Kahit paano, medyo nakilala nang konti. May ilang nagsasabi na defining moment ko ang FIBA Asia. Pero ayokong isipin masyado ‘yun kasi baka lumaki ulo ko.

Kasali ka ba sa ipapadala sa World Cup?
Gusto ko makalaro sa World Cup. Pero nasa coach at management kung sino ipapadala sa World Cup. Ang usapan, ipapadala ‘yung same team sa World Cup.

Pero kung gusto palakasin ni coach ‘yung team by getting new players, ok lang sa akin. Ako naman, willing akong ibigay ‘yung slot ko para lumakas ang team.

Ano ang tsansa ng Pilipinas sa World Cup?
Marami ang nagsasabi na mahihirapan tayo. Alam namin na mahirap. Pero ibibigay namin ang lahat para makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana ipagdasal at suportahan pa rin kami ng ating mga kababayan sa World Cup tulad nang ginawa nila sa  FIBA Asia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending