Michael de Mesa muling inalala ang namayapang si Cherie Gil kasama ang buong pamilya
NAGTIPON-TIPON ang pamilya Eigenmann sa pangunguna ni Michael De Mesa para alalahanin ang namayapang kapatid na si Cherie Gil.
Ibinahagi ng aktor nitong Biyernes, Setyembre 2, ang ilang mga larawan ng kanilang pagsasama habang inaalala ang beteranang aktres sa kanyang Instagram account.
Kuwento ni Michael, pakiramdam raw nila ay kasa-kasama pa rin nila si Cherie kahit na mag-iisang buwan na buhat nang mamaalam ito.
Napakaraming iniwang memorya ng kapatid sa kanilang pamilya at aminado ang mga ito na nami-miss na nila ang award-winning actress.
“I know you were with us-smiling, crying, and laughing at the beautiful memories we shared of you with each other. We miss you so much!” saad ni Michael sa kanyang caption.
Dagdag pa niya, “But in our grief, we smile knowing that you are hugging Ralph again. We love you, Cherie! [heart emoji]”
Ang nabanggit ni Michael na Ralph ay si Raphael John Eigenmann o mas kilala bilang si Mark Gil.
View this post on Instagram
Matatandaang noong Setyembre 2014 nang pumanaw ang kanilang kapatid dahil rin sa sakit na cancer.
Base sa picture na ibinahagi ni Michael ay present ang asawa ni Cherie na si Rony Rogoff maging ang dalawa nilang anak na sina Bianca at Raphael.
Nandoon rin sina Andi Eigenmann, Sid Lucero, Gabby Eigenmann, at Max Eigenmenn na pawang mga anak naman ng yumaong si Mark Gil.
Present rin ang pamilya ni Michael maging ang pamilya ng kanyang mga anak na sina Ryan at Geoff Eigenmann.
Matatandaang namayapa si Cherie Gil noong Agosto 5, 2022 sa isang ospital sa New York City dahil sa sakit nitong endometrial cancer.
Samantala, may Instagram story rin ang asawa ni Michael na si Julie Eigenmann kung saan makikitang kumakanta ang anak ni Cherie na si Bianca habang ang aktor naman na si Sid Lucero ang naggigitara.
Related Chika:
Michael de Mesa iyak nang iyak sa taping ng ‘Ang Probinsyano’ nang malamang patay na si Cherie Gil
Michael de Mesa binantaan ng ‘Probinsyano’ fan: Pag nakita kita sa personal titirahin kita sa ulo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.