Heart Evangelista may pinagdaraanan, pinipilit maging positibo: I’m really in search of just being happy
AMINADO ang actress-vlogger na si Heart Evangelista na may pinagdaraanan ito sa kanyang personal na buhay lately.
Sa kanyang latest YouTube vlog na uploaded nitong Biyernes, September 5, nagkuwento ang actress-vlogger patungkol sa nangyayari sa kanyang buhay lately.
“How’s life? You know I’ve always been such a happy person and I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me,” umpisa ni Heart.
Pagpapatuloy niya, “I’m not gonna lie, I’ve been through a lot of personal stuff in my mind but you know at the end of the day I’m still very grateful and as long as there is life, there’s hope.”
Mukhang malalim ang pinagdaraanan ni Heart base sa kanyang mga pahayag sa kanyang vlog ngunit sinabi niyang pinipilit niyang maging positibo pa rin sa buhay.
Wala namang nabanggit ang aktres kung ano nga ba ang specifc niyang pinagdaraanan ngunit mukhang malalim ito base sa kanyang mga ibinabahagi sa kanyang vlog.
“I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles… I feel a lot of pressure in my life. Basically now, I’m really in search of just being happy,” lahad ni Heart.
Batid niyang kaya siya nagtatrabaho ay para makabili ng mga bagay na gusto niya ngunit na-realize niya na mas mahalaga pa rin ang mga simpleng bagay sa buhay.
“It’s about the simplest things in life that are very important and that really make a person happy, and that’s where I’m at now,” sey ni Heart.
Dagdag pa niya, “Just really appreciating all the small moments and Panda, Shuti, all the love that I feel.”
Ani Heart, noon pa man ay inspired na siya sa mga taong driven at workaholic gaya niya at mataas ang kanyang respeto sa mga ito.
“It feels good to be empowered and know that you can do things on your own no matter how hard certain situations in your company, in your workplace, or the people around you, or what weighs you down.
“At the end of the day, it’s really your inner strength and you being independent about what you want to do in life, and not rely on anyone that matters,” pagbabahagi pa ni Heart.
Ibinalita rin niya na maraming magbabago sa kanyang YouTube channel dahil mas ipapakita niya ang “unfiltered version” ng kanyang buhay.
“At the end of the day, I feel like it’s so important to always be authentic and really stay true to yourself whether people agree with you or not,” chika pa ni Heart.
“It’s about living your life and if somebody out there relates to you, that’s wonderful!”
Marami naman ang nagtaka dahil hindi nabanggit ni Heart ang pangalan ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero sa kanyang vlog.
View this post on Instagram
Matatandaang may mga chikang naglabasan kamakailan patungkol sa diumano’y pinagdaraanan nilang mag-asawa dahil sa pagtanggal nito ng apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram name.
Mas tumindi tuloy ang mga hinala ng Marites na mukhang matindi nga talaga ang pinagdaraanan ng mag-asawa at mukhang posibleng totoo ang chika.
Sa ngayon ay wala pa rin namang kumpirmasyon mula mismo kina Heart at Sen. Chiz kung true nga ba ang chika dahil baka parehas lang ring busy ang dalawa sa kani-kanilang karera.
Related Chika:
Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?
Heart Evangelista may dapat ipaliwanag sa netizens; Yam Concepcion thankful sa ‘Ang Probinsyano’
Heart Evangelista binalikan ang journey sa showbiz: They hated me kasi ang arte-arte ko!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.