Herlene Budol aminadong napikon kay Miss Manila 2020, may pakiusap sa netizens | Bandera

Herlene Budol aminadong napikon kay Miss Manila 2020, may pakiusap sa netizens

Therese Arceo - September 01, 2022 - 02:32 PM

Herlene Budol aminadong napikon kay Miss Manila 2020, may pakiusap sa netizens

MAY panawagan ang vlogger-comedienne turned beauty queen na si Herlene Budol na sana ay tigilan na ng mga netizens ang pambabatikos kay Miss Manila 2020 Alexandra Abdon.

Muli kasing naungkat sa social media ang nakaraan nila noong magkausap sila sa “Wowowin” kung saan nag-guest si Alexandra buhat nang magwagi bilang Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up si Hipon Girl.

Matatandaang inokray-okray ni Miss Manila noon si Herlene kung saan sinabi niya na hindi raw qualified ang dalaga para maging beauty queen dahil sa pagiging “squammy” at “iskwater” nito.

Hindi naman daw ikinakahiya ni Hipon Girl na nagmula siya sa lugar ng mga squatters sa Antipolo, Rizal.

Kaya naman marami sa mga tagasuporta ni Herlene ang rumesbak at agad na binatikos si Miss Manila. Ipinaliwanag naman nito na scripted lamang ang kanyang mga sinabi sa show.

Nagkabati rin naman ang dalawa at sa katunayan ay mayroon pa silang naging collab vlog sa kani-kanilang YouTube channels.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila hindi pa nakaka-move on ang madlang pipol at binuhay ng mga ito ang isyu matapos ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 noong July 31.

At sa bagong vlog ni Madam Inutz ay nag-guest si Herlene at nagsalita pa tungkol sa isyu.

Pag-amin niya, talagang napikon siya noon kay Miss Manila 2020 ngunit matagal na raw ‘yun at kalimutan na dapat.

“Tigilan na natin iyon, grabe naman kayo. Two years na pong nakalipas o magti-three years na. Hindi ko na po alam kasi nangyari yata iyon 2020,” saad ni Herlene.

Pagpapatuloy pa niya, “Magtu-2023 na nga po, di ba? Para sa akin, tigilan na natin yung pamba-bash natin kay Miss Manila. Ang sabi nga niya, scripted.”

Chika pa niya, hindi rin kasi siya naabisuhan na scripted pala ang nangyari kaya talagang lubos siyang naapektuhan nang laitin siya sa national TV.

Sey pa ni Herlene, “Baka hindi yun ang goal niya na masaktan [ako]. Naiintindihan ko din naman. Sa lahat ng namba-bash sa kanya, siguro it’s time na tigilan na rin na lang natin siya kasi antagal na panahon na po noon.”

Aniya, naniniwala rin siya na lahat ng tao ay pwedeng magbago tulad niya.

“Kaya ikaw, Miss Manila, kontakin mo na ako. Bati na tayo, di ba? 2020 pa iyon,” hirit pa ni Herlene.

Samantala, nananatili namang walang imik si Miss Manila 2020 Alexandra Abdon simula nang maungkat ulit ang dating nagyari sa pagitan nila ni Hipon Girl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Miss Manila 2020 muling binanatan ng netizens sa panlalait kay Herlene Budol dahil sa lumang video ng ‘Wowowin’

Herlene na-hurt sa pang-ookray noon ng ex-beauty queen: Siyempre buong pagkatao ko iyon, pati nanay ko dinamay pa niya

Miss Manila Alexandra Abdon ‘wanted’ sa fans ni Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene Budol: Ano ka ngayon?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending