Boy Abunda balik-TV na, Kapuso nga ba o Kapamilya pa rin? | Bandera

Boy Abunda balik-TV na, Kapuso nga ba o Kapamilya pa rin?

Therese Arceo - August 31, 2022 - 06:48 PM

Boy Abunda balik-TV na, Kapuso nga ba o Kapamilya pa rin?
TULOY na tuloy na ang muling pagbabalik telebisyon ng tinaguriang “King of Talk” na si Boy Abunda.

Ito ay kanya mismong kinumpirma nang makapanayam siya noon sa isang media launch na siya ang host.

“Pagbalik ko I am hoping to be able to do television,” saad ni Tito Boy.

Nakatakdang lumipad papuntang Amerika ang TV personality para sa ilang mga events na kanyang iho-host kaya mawawala ito ng halos tatlong linggo.

Namg tanungin naman siya kung saang network siya posibleng mapanood ay hindi pa raw niya ito alam.

“Hindi ko pa alam pero marami akong kausap,” sagot ni Tito Boy.

Dagdag pa niya, “Anything is possible.”

Natanong rin si Tito Boy hinggil sa dating nabalita na lilipat na siya sa Kapuso network.

“May mga pag-uusap hindi lamang sa channel 7,” pagbabahagi niya.

Nilinaw rin ni Tito Boy na wala siyang offer sa Advanced Media Broadcasting System o AMBS na pag-aari naman ng mga Villar.

Naibahagi rin niya na nagpaalam naman siya sa Kapamilya network kung pupwede siyang makipag-usap sa GMA at pinayagan naman siya nito.

“Sa ngayon, wala talagang kasiguraduhan pa pero ang alam ko lang I’m back on television pagbalik ko [mula Amerika],” chika ni Tito Boy.

Dagdag pa niya, “Tatlong taon na po akong walang trabaho. Tatlong taon na po akong jobless. Pakiusap.”

Bagamat hindi pa sigurado kung mananatili si Tito Boy sa poder ng Mother Ignacia o mag-o-ober da bakod siya sa Kamuning, hindi naman daw niya isinasara ang pinto sa mga oportunidad.

Sinabi rin niya na maayos ang kanyang mga relasyon sa parehong network.

“Iba yong ilaw, bilang, indayog, rhythm. Iba lahat na hindi ko nararanasan sa socials sa YouTube for example. Iba ang kinang ng telebisyon,” lahad pa ni Tito Boy.

Nang tanungin naman siya kung ano ang pakiramdam niya ngayong may bagong network na ang papasok sa merkado.

“The more the merrier. Para mas maraming pagpipilian lalo na katapat ang social media ang TV,” sey ni Tito Boy.

Related Chika:
Boy Abunda trending sa Twitter, netizens disappointed: Grabe talaga!

Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Edu, Nikki, Jim hindi rin natuwa sa interview ni Boy kay VP Leni: Let Ma’am speak please!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending