RR Enriquez bistado, bet na bet ang mga bashers ayon sa dyowa: 'She likes it' | Bandera

RR Enriquez bistado, bet na bet ang mga bashers ayon sa dyowa: ‘She likes it’

Therese Arceo |August 30,2022
facebook
share this

RR Enriquez bistado, bet na bet ang mga bashers ayon sa dyowa: ‘She likes it’

Therese Arceo - August 30, 2022 - 08:37 PM

RR Enriquez bistado, bet na bet ang mga bashers ayon sa dyowa: 'She likes it'
NILAGLAG ng basketbolistang si Jayjay Helterbrand ang kanyang longtime dyowa na si RR Enriquez at inaming bet na bet daw nito kapag mayroon siyang bashers.

Naging guest kasi ang basketbolista sa bagong YouTube channel ng kanyang dyowa kasama ang dating basketball player at kaibigang si Rico Maierhofer.

“Ito bro, she likes it when she has bashers. Kaya siya nag-eenjoy, Gustong- gusto niya ‘yan,” chika ni Jayjay patungkol sa dyowang si RR.

Sinigundahan naman ng TV and social media personality ang mga sinabi ng kanyang boyfriend.

“‘Yung mga bashers talaga akala nila napipikon ako pero natatawa ako,” saad ni RR.

Sey naman ni Rico na kaibigan ng dalawa ay hindi naman daw dapat i-bash ang tinaguriang “SawsaweRRa Queen” sa social media.

“Instead na i-bash niyo, idolize niyo. Siyempre lahat naman tayo gusto natin mag-travel, gusto natin pahiga-higa lang. So dadating ‘yung point na ‘yun by hardwork. So pinagdaanan mo na ‘yung hardwork kaya ini-enjoy mo na,” pahayag ni Rico patungkol kay RR.

Matatandaang nitong taon ay naging maingay ang pangalan ng dating “Wowowing dancer at TV host dahil sa pagbibigay niya ng kanyang mga opinyon ukol sa mga latest chika sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Una na nga rito ang pakikisawsaw ni RR noon sa isyu nina Mark Herras at dati nitong manager na si Lolit Solis.

Kinampihan niya si Mark at sinabing hindi naman tama ang ginawa ni Manay Lolit sa dating alaga at lalo pa niya itong nilugmok sa kahihiyan nang ibahagi niya sa madlang pipol ang panghihiram ng aktor sa kanya.

At lately nga ay muli na namang gumagawa ng ingay ang pangalan ni RR dahil sa pakikisawsaw nito sa relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Hindi raw kasi siya makapaniwala na apat ma taon nang magkasama ang dalawa pero wala pa ring label kung ano man talaga ang namamagitan sa kanila.

Ani RR, dapat daw ay alamin ni Bianca ang kanyang worth lalo na’t matagal na sila sa ganoong set up.

Agad namang dumipensa ang ama ng aktor na si Bhong Madrid at nag-post sa Instagram patungkol sa Queen SawsaweRRa.

Aniya, kung inggit raw si RR ay pumikit na lamang ito at munkhang hindi daw nito alam ang mga salitang “privacy” at “respect”.

Bumwelta naman ang TV personality at sinabing hindi naman daw siya galit at gusto lang talaga niyang sawsawan ang isyu ng dalawang Kapuso stars.

Sinabihan rin ni RR ang ama ng aktor na huwag sa kanya magalit bagkus magalit ito sa entertainment site kung saan niya nabasa ang patungkol sa walang label na relasyon nina Ruru at Bianca.

Related Chika:
RR Enriquez hindi bet si Skusta Clee para kay Zeinab: Hindi naman siya ganu’n kaguwapuhan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending