Agot Isidro may pasaring sa mga pulitikong mahilig pumarty sa gitna ng pandemya | Bandera

Agot Isidro may pasaring sa mga pulitikong mahilig pumarty sa gitna ng pandemya

Therese Arceo - August 26, 2022 - 09:57 AM

Agot Isidro may pasaring sa mga politikong mahilig pumarty sa gitna ng pandemya
MAY patama ang batikang aktres na si Agot Isidro sa mga kawani ng gobyerno na panay ang party sa kabila ng mga pinagdaraanan ng bansa.

Nitong Lunes, Agosto 22, nag-tweet ang aktres ukol sa kanyang saloobin sa mga politiko.

“Sarap kutusan yung mga politikong madalas sabihin ang mga katagang ‘dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya’, pero wala naman ginagawa kundi ang pumarty,” saad ni Agot.

Matatandaang kamakailan lang nang maging usap-usapan ang mga senador, at ilan pang mga politiko, maging ang mismong presidente ng bansa na si Bongbong Marcos na present sa birthday party ni Sen. Sonny Angara noong Agosto 7.

Marami sa mga netizens ang pumuna sa pagsasaya ng mga opisyal ng gobyerno gayong marami sa mga kababayan natin ang patuloy na nahihirapan dahil sa  inflation o pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

At nito lamang Agosto 21, hindi rin kaila sa madlang pipol ang nangyaring celebration ng kaarawan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa katunayan ay may tweet pa mismo si Pangulong Bongbong na mensahe niya sa pinakamamahal na asawa.

“To my beloved wife, words have already been said as to how valuable she is as a person and how remarkable she really is. Sometimes its really hard to believe that she did me a favor of marrying me,” saad ng presidente.

Nag-upload rin ito ng video sa kanyang YouTube channel kung paano niya sinorpresa ang asawa.

Umani naman ng samu’t saring komento ang naturang tweet ni Agot.

Ang ilan ay pumapanig sa sentimiyento ng batikang aktres.

“Nsa gitna ng pandemya pero sila pumaparty at bakit sila nagpa ftof (face-to-face) gayung di pa naman talaga handa, kulang kulang ang chairs sa ibang skul, nsa sahig na iba, ung iba pumasok khit baha, ung pres. Puro utos lang, bat ayaw bumaba at lumusong sa baha para maramdaman nya kung paano mabasa,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “These bunch have a deep sense of entitlement. But how they love to grandstand on the backs of the poor. They love to use, ‘the poorest of the poor’ when they make their speeches.”

May ilan naman na kontra sa pahayag ni Agot at sinabihang bitter lang ang aktres dahil hindi nanalo ang kandidatong sinuportahan noong nagdaang eleksyon.

“Mas masarap kang kutusan Agot puro ka Arte at reklamo bitterrrr hahaha,” sey ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Ma’am mas masarap po kutusan yung mga taong walang ibang ginawa kundi kumontra sa iba at mangansela ng iba.”

Anyways, isa si Agot sa mga kilalang artista na vocal sa kanyang political view at isa rin sa mga aktibong personalidad na kumukondena sa mga nakikita niyang mali na ginagawa ng gobyerno.

Related Chika:
Agot: Kailangang pinupuna ang injustices at social issues na taliwas sa dapat mangyari…itama lang natin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Agot sa mga beki at lesbian: Kung nirerespeto mo ang sarili mo rerespetuhin ka rin ng ibang tao

Hugot ni Agot Isidro: I truly hope you will learn from the decisions you’ve made

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending