Direktor ng 'Sarah Ang Munting Prinsesa' at 'Cedie' na si Romy Suzara pumanaw na; showbiz industry nagluluksa | Bandera

Direktor ng ‘Sarah Ang Munting Prinsesa’ at ‘Cedie’ na si Romy Suzara pumanaw na; showbiz industry nagluluksa

Ervin Santiago - August 23, 2022 - 02:25 PM

Romy Suzara

PUMANAW na ang beteranong direktor na si Romy V. Suzara dahil sa kumplikasyon sa sakit sa puso.

Kinumpirma ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) chairperson na si Rez Cortez ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media.

Nag-post din si Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook account tungkol sa pagkamatay ng premyadong direktor.

Ayon sa ulat, sumakabilang-buhay si Romy Suzara habang nasa Philippine Heart Center sanhi ng komplikasyon sa sakit ng puso.

Ilan sa mga nagmarkang pelikula na kanyang ginawa ay ang “Sarah Ang Munting Prinsesa,” “Medalyang Ginto,” “Cedie,” “Kokey”, ang life story ni Lydia de Vega at marami pang iba.

Siya rin ang nagdirek sa mga pelikula ni Fernandez tulad ng “Pepeng Shotgun” at “Bingbong Crisologo Story.”

Sila naman ni Mario O’ Hara ang nasa likod ng mga classic hits na “Mga Bilanggong Birhen” nina Armida Siguion Reyna at Alma Moreno, “Mga Uod at Rosas” nina Nora Aunor, Johnny Delgado at Tolentino, at “Vilma and the Beep Beep Minica” starring ni Vilma Santos.

Ayon sa ilang kaibigan, labas-pasok na raw ang direktor sa ospital nitong mga nagdaang taon. Ang huling public appearance niya ay naganap sa ABS-CBN Sagip Kapamilya sa restoration ng “Sa Init ng Apoy”, ang 1980 movie nina Lorna Tolentino at yumaong asawang si Rudy Fernandez.

Sa ngayon, inaayod na ng Mowelfund at ng pamilya ni Romy Suzara ang mga detalye para sa kanyang libing.

Samantala, narito naman ang Facebook post ni Sen. Bong hinggil sa pagpanaw ng batikang direktor:
“It is with heavy heart to announce the passing of one of the Philippine movie industry’s most prolific and seasoned filmmakers – Direk Romy Suzara. Nakakalungkot at napakasakit po na isa na naman sa mga malalapit sa atin sa industriya ang namaalam.

“Bakas na iiwan ni Direk Romy ang ‘di matatawarang dedikasyon sa sining ng paggawa ng mga pelikula at pagturing na pamilya sa amin sa industriya. Being part of his film, “Pag-Ibig Ko Sa Iyo’y Totoo,” is one of my most humbling and worthy experiences in the span of my career as an actor.

“Thank you, Direk Romy, for sharing your life, passion, and excellence with us. Ang iyong talento at pagmamahal sa industriya ng Pelikulang Pilipino ay hinding-hindi namin malilimutan. Rest in God’s loving embrace. Until we meet again,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305685/veteran-broadcaster-dong-puno-pumanaw-sa-edad-na-76
https://bandera.inquirer.net/286431/vice-may-iniindang-karamdaman-pag-ihi-ko-biglang-nahinto-tapos-ang-sakit-na-naiyak-ako
https://bandera.inquirer.net/299482/mike-enriquez-napagkamalang-si-john-lloyd-noon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending