Ogie Diaz ipinagtanggol si Julia Montes: Porke't lumapad, buntis na? | Bandera

Ogie Diaz ipinagtanggol si Julia Montes: Porke’t lumapad, buntis na?

Therese Arceo - August 16, 2022 - 08:47 PM

Ogie Diaz ipinagtanggol si Julia Montes: Porke't lumapad, buntis na?

NAG-REACT ang talent manager na si Ogie Diaz ukol sa mga bali-balita ukol sa diumano’y pagbubuntis ng Kapamilya actress na si Julia Montes.

Sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update” kung saan kasama niya sina Mama Loi at Tita Jege, isa ang aktres sa mga celebrities na napag-usapan nila.

Chika nina Ogie, marami raw sa mga nakapanood ng finale ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang na-curious kung bakit hindi ipinapakita ang tiyan ni Julia.

“Eto ang pag-usapan natin, lumabas si Mara, si Julia Montes, sa ending. Nagtataka ko, ‘Te, bakit walang mga close-up shot,” panimula ni Tita Jegs.

Sinabi naman nina Ogie at Mama Loi na puro close up shots nga raw ng mukha ni Julia ang napanood ngunit nilinaw niya tiyan ang kanyang pinatutungkulan.

View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

“Diba tinago? Kasi may long shot, may wide shot, pero walang medium shot, diba?” hirit pa ni Tita Jegs.

Sinabi naman ni Ogie na antayin na lang ang pag-amin nina Coco at Julia patungkol sa isyu kung buntis nga ba talaga ang aktres.

“Alam mo, antayin natin kung totoo man ‘yang haka-haka na buntis si Julia Montes. Hintayin nating sila ang umamin. So, kung sinabi nila na hindi buntis, edi hindi buntis. Nagmamadali ka ba? May nag-aabang bang taxi sa baba?” litanya niya.

Sagot naman ni Tita Jegs, may napanood raw siyang Tiktok video kung saan mas malapitan ang kuha kay Julia at kapansin-pansin ang “paglapad” raw ng rumored girlfriend ni Coco.

Diretsahang sey ni Ogie, “Porke lumapad, buntis na, Jegs. Baka pwedeng napalakas lang ang kain.”

Biro pa niya, kapag nagpatuloy raw si Tita Jegs sa pang-iintriga kay Julia ay hindi raw ito bibigyan ng regalo sa darating na Pasko.

Pagbawi naman ng kaibigan ni Ogie, baka nga daw busog lang ang aktres dahil gabi raw nang kunan ang TikTok video at baka naparami lang daw ng kanin.

Samatala, nananatili namang tikom ang bibig ni Julia ukol sa isyu ng pagbubuntis.

Related Chika:
Ogie Diaz nadulas, girl daw ang panganay na anak nina Coco at Julia?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeline Quinto hindi binalak itago ang pagbubuntis: Naghanap lang ako ng tamang timing

Ogie Diaz kinontra ng netizens; Liza, Enrique may picture na sa ABS-CBN hallway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending