Ogie Diaz pumalag kay Marcoleta: Ikaw ba sasagip ng bansa, ng mawawalan ng trabaho?
NAGPAHAYAG ng saloobin ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa pang-uusisa ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta sa pagsasanib ng ABS-CBN at TV5.
Ayon kasi sa mambabatas, ang naturang deal sa pagitan ng dalawang istasyon ay may nilalabag na batas sa 1987 Constitution.
“Juice ko po, sir. Sumunod naman, pero ayaw n’yong tanggapin. Ngayong bumili ng shares, me kuda pa din kayo,” saad ni Ogie sa kanyang Twitter account nitong Lunes, August 15.
Matatandaang isa si Marcoleta sa mga nanguna kontra sa muling pagbibigay ng prangkisa sa Kapamilya network noong 18th Congress na nagresulta nga ng tuluyang pagkawala sa ere ng ABS-CBN at pagkawala ng trabaho ng libu-libong empleyado nito.
Ani Ogie, marami raw ang posibleng mawalan ng trabaho ngayong ang TV5 naman nang inuusisa ng kongresista gaya nang nangyari sa ABS-CBN noong 2020.
“Sa panahon ngayon, kailangan ng pera ng gobyerno,” pagpapatuloy niya.
Kaya siguro hindi na rin niya napigilan ang magsalita dahil muli na namang sinisilip ng kongresista ang pakikipagsanib pwersa ng ABS-CBN para muling mapanood sa telebisyon.
Giit pa ni Ogie, “Ikaw ba sasagip ng bansa, ng mawawalan ng trabaho? O ikamamatay mo ‘pag nangyari ‘yung ayaw mo? Move on ka na po.”
Matatandaang nitong Agosto 12 nang ianunsyo ng TV5 at ABS-CBN ang kanilang investment agreement ng kanilang pagsasanib pwersa.
Juice ko po, sir. Sumunod naman, pero ayaw nyong tanggapin. Ngayong bumili ng shares, me kuda pa din kayo. Sa panahon ngayon, kailangan ng pera ng gobyerno. Ikaw ba sasagip ng bansa, ng mawawalan ng trabaho? O ikamamatay mo pag nangyari yung ayaw mo? Move on ka na po. https://t.co/W2E4qOUEpm
— ogie diaz (@ogiediaz) August 15, 2022
Sa naturang deal ay mag-aacquire ang ABS-CBN ng 6.46 million ng common shares ng TV5 o 34.99% ng total outstanding capital stock nito. Nakasaad rin sa naturang merger ang P1.84 billion worth ng convertible notes na ibibigay ng TV5 sa ABS-CBN.
Related Chika:
Rodante Marcoleta nag-withdraw sa pagtakbong senador
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.