True ba, sikat na aktres madalas magsugal sa casino kasama ang dyowa? | Bandera

True ba, sikat na aktres madalas magsugal sa casino kasama ang dyowa?

Reggee Bonoan |August 15,2022
facebook
share this

True ba, sikat na aktres madalas magsugal sa casino kasama ang dyowa?

Reggee Bonoan - August 15, 2022 - 06:05 PM

Guess, guess who!? Sino kaya ang aktres na ito?

NAINTRIGA kami sa blind item ng “Showbiz Now Na” tungkol sa kilalang aktres na umano’y malakas magsugal kasama ang kanyang boyfriend.

Ang guest co-host nina Nanay Cristy Fermin at Morly Alinio na si Wendel Alvarez ang bumangka sa kuwentong ito dahil madalas daw itong makita ng huli sa sikat na hotel sa Pasay City kung saan matatagpuan ang maraming casino.

Kasama raw ng sikat na aktres ang kanyang boyfriend na ang tawagan ay “Babe” pero hindi mo makikilala ang gurl dahil may suot daw itong hijab.

Kaya lang nabuking ang pagkakakilanlan ng kilalang aktres ayon kay Wendell, “Kasi umorder sila ng food, libre naman doon pag high roller ka, may sarili kayong kuwarto.

“Tinanong siya kung ano ang gusto niya kaya tinanggal na niya ‘yung suot niya at doon na siya nakilala ng waitress na nagsisilbi sa kanila,” anito.

Nagulat daw ang waitress nang makilala niya ang aktres na napakaganda naman talaga at mabait pa at sa sobrang excitement nito ay ikinuwento niya sa mga kasamahan niya kung sino siya.

Ayon kina Nanay Cristy at Morly ay wala namang masama kung pumunta sa casino dahil sariling pera naman nila ang ginagastos nila at dibersyon lang ito.

Nasambit pa na baka sinamahan lang ng kilalang aktres ang boyfriend niya kaya siya nandoon dahil wala namang tsikang madalas pumunta ang dalaga sa casino at ‘yun lang ang araw na nakita siya.

Puring-puri nina ‘Nay Cristy, Wendell at Morly ang kilalang aktres dahil bukod sa magaling umarte ay mabait at marespeto ito sa lahat ng katrabaho niya at ni minsan ay walang narinig na reklamo tungkol sa ugali niya.

Kilalang-kilala ang aktres dahil sa apelyido niya sa larangan ng movie industry bagay na hindi naman niya dinungisan kahit noong nagsisimula palang siya kaya naman okay sila ng “ate” niya na sikat din kahit hindi sila madalas magkita.

Sabi ni Nanay Cristy, “Sobrang galang po ng aktres na ito at gustung-gusto namin siya.”

https://bandera.inquirer.net/304522/aktor-laging-nakatambay-sa-casino-before-midnight-nawawala-siya-after-two-hours-nandoon-na-uli-siya

https://bandera.inquirer.net/297479/joshua-binago-ang-panuntunan-sa-buhay-hindi-na-ako-papa-apekto-sa-past

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/282652/matapos-masangkot-sa-iskandalo-tekla-at-michelle-nagkabalikan-na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending