'Gifted child' Shaira Luna ikinasal na, suot na wedding dress nabili sa ukay-ukay sa halagang P100 | Bandera

‘Gifted child’ Shaira Luna ikinasal na, suot na wedding dress nabili sa ukay-ukay sa halagang P100

Ervin Santiago - August 15, 2022 - 09:58 AM

Shaira Luna at Cocoy Arenas

UMANI ng mga positibo at nakakaaliw na comments mula sa netizens ang pagpapakasal ng celebrity photographer na si Shaira Luna.

Naganap ang wedding ni Shaira at ng non-showbiz partner niyang si Cocoy Arenas nitong nagdaang August 12 na idinaos sa Intramuros, Manila.

Sa mga hindi pa masyadong aware, unang nakilala ng mga Pinoy noong 1995 si Shaira sa TV commercial ng isang brand ng gatas bilang “gifted child” hanggang sa sumikat na nga siya bilang mahusay na photographer.

Sa social media naman, kilala si Shaira bilang “ukay-ukay” queen dahil nga nakahiligan na niyang bumili at magsuot ng mga damit na galing sa iba’t ibang ukayan.

View this post on Instagram

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


At naging hot topic nga muli si Shaira sa socmed nitong nagdaang weekend nang mabalitang nabili ang isinuot niyang wedding dress sa ukay-ukay na nagkakahalaga lang ng — P100.

Ngunit kahit napakamura lang ng pangkasal ng photographer, umani ito ng papuri mula sa mga netizens.

Lutang na lutang daw ang ganda ng bride sa suot nitong doll dress na hindi naman halatang binili sa ukayan. Tinernuhan pa ito ni Shaira ng white gloves.

Nakita namin sa Instagram Story ng kaibigang aktres ni Shaira na si Dimples Romana ang ilang litrato na kuha sa naganap na wedding.

Ayon kay Dimples, ang may-ari ng The Jones Archive na si Jonard Palteng ang siyang bumili ng white dress sa isang ukayan sa La Union.

“Knowing Shaira, she wouldn’t want a traditional wedding dress. I saw the dress while thrift shopping in a market in La Union, and I immediately thought of her!” ang pahayag ni Jonard sa isang panayam.

Dagdag pa nitong papuri sa bride, “She wore it so beautifully!”
https://bandera.inquirer.net/320854/maris-walang-hiya-hiyang-inirampa-sa-us-ang-nabiling-ootd-sa-ukay-ukay-andrea-kering-keri-nang-magsolo-at-magbida

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280068/ruru-madrid-shaira-diaz-dedma-muna-sa-kasal-marami-pang-gustong-patunayan-sa-career
https://bandera.inquirer.net/280581/sanya-nagbilad-ng-kaseksihan-sa-resort-ni-gabby-i-can-see-you-nina-ruru-at-shaira-trending-agad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending