Markus Paterson itinigil lahat ng bisyo nang maging tatay: Marami akong isinakripisyo para kay Jude Bandera

Markus Paterson itinigil lahat ng bisyo nang maging tatay: Marami akong isinakripisyo para kay Jude

Ervin Santiago |August 09,2022
share this

Markus Paterson itinigil lahat ng bisyo nang maging tatay: Marami akong isinakripisyo para kay Jude

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 07:18 AM

Markus Paterson at Jude Trevor

WALANG pinagsisisihan ang Kapamilya actor na si Markus Paterson sa pagiging batang ama.

Maraming isinakrispisyo ang aktor mula nang isilang ang anak nila ni Janella Salvador na si Jude Trevor noong 2022 kasabay din ng mga pagbabago sa kanyang career at personal na buhay.

“Becoming a father at 22, 23, I guess you could say I sacrificed all the necessary sacrifices. Lahat ng mga bisyo, everything that 22, 23-years old do.

“Guys, we go out, we party. Lahat ng mga ganu’ng sakripisyo na kinailangan talaga and it wasn’t even a hard thing to do. All the necessary sacrifices of becoming a young father, I embraced,” ang pahayag ni Markus nang matanong sa virtual mediacon ng “Maalaala Mo Kaya” kamakailan para sa ginawa niyang episode sa nasabing drama anthology.

Aniya “no regrets” daw ang pagkakaroon ng anak sa batang edad, “Worth it definitely. As soon as I saw him in that delivery room, my life flipped upside down talaga. No regrets.”

Samantala, sa “MMK” episode nila ni Heaven Peralejo na “Strangers Online”, tinalakay ang online dating kaya natanong ang aktor kung ikay lang sa kanya ang ligawan sa virtual world.

“Yes naniniwala naman ako kasi it’s more of a cultural thing especially here in the Philippines. And since lumaki ako sa UK, it’s not really part of our culture so parang nagulat din ako with the whole process.

“But it’s nice to learn since Pilipino din naman ako. It’s nice to learn the culture here. I haven’t brought that up for certain reasons. Ha-hahaha!” tugon ni Markus.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)


At tungkol naman sa style niya sa panliligaw, “Maraming factors din yan, eh. It’s not about putting your best foot forward, it’s about being true to yourself and making sure you’re showing all of your true colors.

“Because the worst thing, and I’m talking from experience, is getting into the relationship and nag-iiba bigla yung tao.

“Parang they’re not putting their best foot forward, they’re just putting their foot forward where they think they would like them more because they think being someone else and not their true selves. I think it’s just being more honest with yourself and that’s it pretty much,” esplika pa niya.

Sagot ni Markus kung hiwalay na sila ni Janella: I’m gonna let her do the talking, but we’re both very good

Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude

Award-winning actor bumalik sa dating bisyo; 3 years nang walang trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending