Camelle Mercado ng Pilipinas waging Miss United Continents 2022 Bandera

Camelle Mercado ng Pilipinas waging Miss United Continents 2022

Armin Adina |August 07,2022
share this

Camelle Mercado ng Pilipinas waging Miss United Continents 2022

Armin Adina - August 07, 2022 - 02:20 PM

Camelle Mercado

ANIM na taon mula nang makoronahan si Jeslyn Santos bilang unang Filipina at Asyanang Miss United Continents, sinungkit ni Camelle Mercado ang pangalawang panalo ng bansa sa patimpalak na teritoryo ng mga Latina.

Dinaig ni Mercado ang 24 iba pang kalahok sa palatuntunang idinaos sa Portoviejo, Ecuador, noong Agosto 6 (Agosto 7 sa Maynila).

First runner-up ang pambato ng Ecuador na si Ivanova Velez, second runner-up si Karen Ortiz ng Colombia, at third runner-up si Lis Arbalaez ng Venezuela.

Foruth runner-up ang pambato ng Paraguay na si Gretha Matiauda, habang fifth runner-up si Ayram Ortiz ng Mexico.

Si Santos ang pumili kay Mercado upang iwagayway ang watawat ng Pilipinas sa Miss United Continents pageant, at sikaping matumbasan ang nakamig niya para sa bansa noonv 2016.

Bago sumabak sa ibayong-dagat, huling napanood si Mercado sa entablado ng Miss World Philippines.

Miss United Continents Philippines Camelle Mercado may ‘alas’ sa Ecuador

Jennylyn Mercado balik ehersisyo matapos manganak: Postpartum fitness isn’t easy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending