Brod Pete nag-retire na sa showbiz: Laos na po kasi ako...at nakakasawa na rin | Bandera

Brod Pete nag-retire na sa showbiz: Laos na po kasi ako…at nakakasawa na rin

Ervin Santiago - August 04, 2022 - 11:22 AM

Isko Salvador

AMINADO ang komedyanteng si Isko Salvador na mas kilala sa tawag na “Brod Pete” na laos na siya bilang artista.

Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon na siyang magretiro sa pagiging comedian at writer sa telebisyon.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, in-announce ni Brod Pete kahapon, August 3, sa publiko na magreretiro na siya sa showbiz dahil nga alam niyang tapos na ang maliligayang araw niya sa entertainment industry.

Ngunit sey ng veteran comedian, ipagpapatuloy pa rin daw niya ang kanyang “singing career” kasabay ng pagsasagawa ng online comedy writing workshop para sa mga nagnanais maging writer.

Pahayag ni Isko Salvador, “Yes laos na po ako after 43 yrs sa shobiz as a writer and comedian. Im now retired. Nakakasawa din.

“But i am launching my singing career fyi – to pursue my true love — music!

“Ive tried politics, mas nakakatawa kesa sa komedi ang politika. Di ako pinalad para konsehal- siguro dahil sinabe ko na – para mawala ang baha ipapasemento ko ang marikina river- u dont know soundbytes- anyways – marikina deserves less,” lahad ng komedyante na sumikat nang bonggang-bongga sa Kapuso gag show na “Bubble Gang” kung saan nga nakilala ang pangalang Brod Pete.

“Btw- i am conducting an online comedy writing workshop/playshop! Sept 3 7pm- via zoom. 1k petot lang- 43 yrs of comedy writing in 3 plus hrs,” dagdag pa niyang mensahe.

Alam naman sa mundo ng showbiz na bukod sa pagiging komedyante ay magaling ding comedy writer si Isko kaya marahil naisipan niyang i-share ang kanyang talento sa pagsusulat sa pamamagitan ng online workshop.

Pero sa ilang comments na nabasa namin sa kanyang FB post, hindi naniniwala ang mga ito na tuluyan nang lilisanin ni Isko ang showbiz dahil nga tila hindi naman ito seryoso sa kanyang announcement.

Kung matatandaan, kumandidato rin si Isko bilang independent candidate sa pagkakonsehal sa unang distrito ng Marikina City last May 9 elections pero hindi siya nananalo.
https://bandera.inquirer.net/301038/gonzaga-sisters-cancelled-na-naman-sa-mga-netizens

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281661/toni-hindi-na-takot-malaos-nami-miss-ang-simpleng-buhay-noong-wala-pa-sa-showbiz
https://bandera.inquirer.net/282101/alessandra-inokray-si-duterte-nakipagsagutan-sa-dds-vlogger-na-tumawag-sa-kanya-ng-laos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending