Cristy Fermin nanindigan sa ibinalitang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica: Siguro 2 buwan na ngayon | Bandera

Cristy Fermin nanindigan sa ibinalitang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica: Siguro 2 buwan na ngayon

Reggee Bonoan |August 03,2022
facebook
share this

Cristy Fermin nanindigan sa ibinalitang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica: Siguro 2 buwan na ngayon

Reggee Bonoan - August 03, 2022 - 05:25 PM

AJ Raval, Cristy Fermin at Jeric Raval

PINANGHAHAWAKAN ni Nanay Cristy Fermin ang kuwento ng kanyang reliable source tungkol sa pagdadalang-tao ng Viva sexy star na si AJ Raval. Ito’y kahit ilang beses na itong itinanggi ng rumored girlfriend ni Aljur Abrenica.

Sinadya naming puntahan ang “Showbiz Now Na” at “Cristy Ferminute” host sa Obra ni Nanay Gallery nitong Martes para personal siyang makatsikahan tungkol sa mga isyung inilalabas niya sa online shows nila nina Romel Chika at Morly Alinio.

Kamakailan ay nakausap ni Ogie Diaz ang ama ni AJ na si Jeric Raval para sa kanyang YouTube channel tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng anak na diretsong tinanong kung buntis ang dalaga na sinagot ng aktor na hindi dahil kasalukuyan itong nagsu-shooting ng pelikula niya sa Viva Films.

Ito rin ang sinabi sa amin ng manager ni AJ na si Jojo Veloso at nanindigan na hindi buntis ang alaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Pero para kay ‘Nay Cristy, “Anak, napanood ko ang panayam ni Ogie kay Jeric at hindi ako nagagalit o nagtatampo, natural na ipagtanggol ni Jeric si AJ, anak niya ‘yun, pamilya sila. Okay sa akin at naiintindihan ko.

“Pero tulad nga ng sinasabi ko sa SNN at Cristy Ferminute, naninindigan ako sa source ko at hindi magbabago ang paniniwala ko.

“Hindi na bago sa akin ang mga ganitong senaryo kasi nangyari na ito dati, kay Aubrey Miles, di ba?  Ilang taon niyang itinanggi na hindi siya nanganak, kesyo nagtata-tumbling-tumbling pa siya noon para ipakitang hindi siya buntis, pero anong nangyari, after 8 years, umamin din. Malaki na ang bata at humingi siya ng sorry sa akin.

“Nauunawaan ko naman ang mga ganu’n, hindi naman ako mapagtanim ng galit, ang akin lang, paninindigan ko kung ano ang sinabi ko o ibinalita ko.

“Hintayin na lang natin pagkalipas ng ilang buwan kung anong resulta ni AJ.  Sabi ko nga, puwede niyang itanggi at karapatan niya iyon, pero ako naninindigan,” sabi sa amin.

Hindi naman daw maitatago ng habang panahon ni AJ kung sakaling buntis siya dahil imposibleng hindi magkukuwento ang sinumang staff ng hospital kung saan siya nagpa-check up at later on ay manganganak.

Tinanong namin ang batikang manunulat at host na paano nga makakapag-shooting  si AJ kung buntis talaga.

“Anak, pupuwede naman talaga lalo na kung hindi pa halata, pag halata na saka hihinto siguro,” paliwanag ni ‘Nay Cristy.

If ever ilang buwan na kayang buntis na si AJ? “Siguro nasa dalawang buwan na ngayon. Hindi naman siya nagka-COVID, eh.  Tatlong beses siyang negatibo sa antigen swab test.”

Nagka-COVID daw kasi ang sexy star kaya siya hindi nakapag-shoot ng ilang araw, pero itinanggi naman ito ng mga sources namin dahil negatibo nga si AJ sa swab test.

Dagdag pa ni Nanay Cristy, “Saka di ba sa panayam ni Ogie sabi ni Jeric ilang linggo na niyang hindi nakikita si AJ, nagkakausap lang o video call sila kaya paano niya malalaman nga? Kasi itong si AJ ay nakahiwalay na ng bahay sa kanila.  Tapos nagbiro si Jeric na if ever totoong buntis, e, di maganda at hindi pala baog ang anak niya.”

Sa kasalukuyan ay tahimik naman ang rumored boyfriend ni AJ na si Aljur Abrenica na umano’y ama ng ipinagbubuntis ng dalaga. Matagal na ring hinihintay ng publiko ang kanyang official statement.

May mga nagsabi naman na kapag hindi totoo ay nagsasalita si Aljur pero ngayon ay marami ang nagtataka kung bakit tahimik siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, nananatiling bukas ang BANDERA para sa panig nina Aljur at AJ.

AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

AJ Raval ibinandera ang flat na tiyan kasabay ng isyu ng pagbubuntis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending