Zoren Legaspi binuking ang bisita ni Cassy: Sino itong D who? | Bandera

Zoren Legaspi binuking ang bisita ni Cassy: Sino itong D who?

Therese Arceo |July 29,2022
facebook
share this

Zoren Legaspi binuking ang bisita ni Cassy: Sino itong D who?

Therese Arceo - July 29, 2022 - 04:45 PM

Zoren Legaspi binuking ang bisita ni Cassy: Sino itong D who?
MUKHANG boto naman ang aktor na si Zoren Legaspi kay Kapamilya singer na si Darren Espanto para sa kanyang anak na si Cassy Legaspi.

Sa kabila kasi ng pagiging abala ng mga ito sa kani-kanilang trabaho ay nagbibigay pa rin ito ng oras at sa katunayan ay dinalaw pa nga ng Kapamilya singer ang dalaga sa kanilang bahay.

Lingid naman sa kaalaman nina Darren at Cassy ay palihim silang kinuhaan ng video ni Zoren habang nasa dining area ng bahay ng mga Legaspi.

Ang naturang video ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account nitong Huwebes ng umaga, July 28.

“@cassy sino itong D WHO….last night shhhhhhh,” caption ni Zoren.

Sa video ay makikitang nakatalikod ang dalawa mula sa pwesto kung saan naroroon ang ama ni Cassy. Matapos ng ilang minuto ay tumayo ang dalaga at doon lang niya napansin na kinukuhaan pala sila ng ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)

“Tatay (crying emojis),” comment ni Cassy.

Maski ang mga netizens ay tila kinikilig sa “ayuda” na ibinahagi ni Zoren.

“Kunyari D’ po namin alam Tatay Z @zoren_legaspi ang hirap pong hulaan HAHAHAHA @darrenespanto baka kilala mo,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Tatay Z @zoren_legaspi baka nman po marami ka pang videos dyan…pakipost na po…kahit mamatay matay na ako sa kilig.”

“Bka may kadugtong pa po yan..pa post na rin tatay Z @zoren_legaspi ….nabitin po kmi eh…baka may sweet moments pa yan..joke,” hirit pa ng isa.

Nagbahagi rin naman si Darren ng larawan nila ni Cassy sa kanyang Instagram story na ipinost rin ng dalaga.

“Surprise visit from this one,” sey ng anak ni Zoren.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na namataang magkasama ang dalawa dahil bata pa lamang sila ay magkakilala at magkaibigan na sila.

Bukod rito, noon pa man ay madalas nang si Darren at Cassy dahil sa pagiging malapit ng mga ito sa isa’t isa.

Maski nga sina Zoren at Carmina ay kasali rin sa mga mga nang-aasar sa dalawa na kita naman sa mga videos na kumakalat sa social media.

Bagamat wala pang kumpirmasyon kung ano nga ba ang namamagitan sa dalawa ay aminado sila na “special” sila sa bawat isa.

Related Chika:
Zoren kakaibang iyak ang ipinakita sa ‘The End Of Us’: Para hindi ako pagtawanan ng kambal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween

Zoren sa tambalang Cassy-JD: May chemistry sila, in fairness!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending