Zoren sa tambalang Cassy-JD: May chemistry sila, in fairness! Bandera

Zoren sa tambalang Cassy-JD: May chemistry sila, in fairness!

Ervin Santiago |April 08,2021
share this

Zoren sa tambalang Cassy-JD: May chemistry sila, in fairness!

Ervin Santiago | April 08,2021 - 09:40 AM

PROUD na proud ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa kanilang anak na si Cassy Legaspi dahil sa natatanggap nitong mga papuri mula sa Kapuso viewers.

Bukod sa mga positive feedbacks patungkol sa kanyang akting sa romantic-comedy series na “First Yaya” palagi ring nasa top trending topic sa Twitter ang Kapuso youngstar habang umeere ang serye.

Ito ang unang pagkakataon na sumabak sa aktingan si Cassy at bilang isang baguhan, marami ang nagsasabi na pasadung-pasado na siya bilang aktres.

Natural na natural kasi ang ipinakikitang pag-arte ng dalaga sa serye bilang si Nina Acosta, ang eldest daughter ni President Glenn Acosta na ginagampanan ni Gabby Concepcion.

“Nakakakilig po and ayun nga I’m always trending din sa Twitter which is so weird and so cool. Every weeknight nagte-trend and ayun nakaka-overwhelm pero at the same, I’m so motivated to go back to work hopefully soon,” ang pahayag ni Cassy sa “24 Oras.”

Kuwento pa niya, muntik na raw siyang hindi payagan ng mga magulang na ituloy ang proyekto dahil sa lock-in taping at ito rin ang unang pagkakataon na malalayo siya nang matagal sa kanyang pamilya.

Pero dahil nga sa mainit na pagtanggap sa kanya ng manonood at sa taas ng rating ng “First Yaya”,  worth it ang naging desisyon nila.

“They always congratulate me na, ‘Ang galing! Good job!’ So, ako naman parang okay got the approval of Ms. Carmina Villarroel and I got the approval of Sir Zoren Legaspi so okay na ako,” chika pa ng dalaga.

Kuwento naman ng tatay niyang si Zoren, talagang gabi-gabi silang nanonood ng “First Yaya” at isa na nga ito sa bonding moments ng kanilang pamilya.

Sa tanong kung ano ang masasabi ni Zoren sa loveteam nina Cassy at Joaquin Domagoso sa serye, “May chemistry sila, in fairness. To think pareho silang newcomer pero nu’ng pinapanood ko ‘yung mga school scenes nila, in fairness napapa-smile ako.”

* * *

Mainit ang naging pagtanggap ng netizens at viewers sa unang episode ng hit drama series na “I Can See You: #Future” nitong Lunes (April 5).

Pasok sa trending list sa Philippines at nag-number one pa nga ang hashtag na #ICSYFuture. Aprubado rin sa netizens at viewers ang mahusay na performance ng mga bida pati na rin ang naiibang kwento ng #Future na pinaghalong romance at sci-fi.

Tampok dito ang Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara. Kwento ito ng social media addict at segment producer na si Vinchie (Miguel) na magkakaroon ng kakayahang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng CCTV footage. Dahil sa bagong kapangyarihan ay maililigtas niya sa kapahamakan ang misteryosong babae na si Lara (Kyline).

Mapapanood ang mini-series na “I Can See You: #Future” hanggang April 9, pagkatapos ng “First Yaya”, sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending