Sam Milby kinabiliban sa pagganap sa 'A Family Affair'; personalidad na posibleng kasuhan ng business partner paiba-iba ng abogado | Bandera

Sam Milby kinabiliban sa pagganap sa ‘A Family Affair’; personalidad na posibleng kasuhan ng business partner paiba-iba ng abogado

Reggee Bonoan |July 29,2022
facebook
share this

Sam Milby kinabiliban sa pagganap sa ‘A Family Affair’; personalidad na posibleng kasuhan ng business partner paiba-iba ng abogado

Reggee Bonoan - July 29, 2022 - 03:06 PM

Sam Milby kinabiliban sa pagganap sa 'A Family Affair'; personalidad na posibleng kasuhan ng business partner paiba-iba ng abogado
BUMILIB ang kilalang talent manager ang acting ni Sam Milby sa umeereng teleseryeng “A Family Affair” dahil malaki na ang improvement ng aktor.

Dapat lang sigurong may improvement na dahil pang ilang TV series na ba ito ni Samuel Lloyd Lacia Milby?

Hindi lang ang kilalang talent manager ang pumuri maging ang ilang TV directors dahil noong una nilang makatrabaho ang aktor ay nakakailang takes sila dahil nga may problema ito sa linya niya.

Ang tanging konsolasyon nila ay napakabait at apologetic daw ni Sam sa bawa’t nitong mali kaya talagang mamahalin mo rin ang binata sa aspetong ito,

Pero sa ipinakikita niyang husay sa “A Family Affair” ay kahit hindi na siya mabait ay okay na dahil sa ipinakita nitong husay sa pag-arte.

Mahuhusay ang co-actors ni Samuel sa AFA tulad nina Gerald Anderson, Jake Ejercito at si Jameson Blake pero hindi raw nagpapahuli ang una kaya napuri siya ng kilalang talent manager.

Samantala, happy si Sam dahil bukod sa pag-arte ay nagawa na niya ang kanyang first love ang mag-perform sa maraming tao dahil nakailang beses na siyang lumabas ng bansa para mag-show na nauna ang series of shows sa Canada at ngayon naman ay US tour.

Nag-post nga ng larawan nila ni Sam ang manager niyang si Erickson Raymundo na ang background ay ang San Francisco Golden Gate Bridge.

Ang caption ay, “Been travelling the world with this guy for the last 16 years. #forevergrateful #cornerstone #veryfirstartist #SamMilby.”

Si Sam ang unang talent ng Cornerstone Entertainment na bago pa pumasok ng Pinoy Big Brother ang aktor ay magkaibigan na sila ni Erickson.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)

* * *

ILANG beses nang nagpalit ng abogado ang isang personalidad na may kakaharaping legal battle isa sa mga araw na ito at ang rason ay hindi kinakagat ng lawyer ang alibi.

Tsika ng aming source tungkol sa personalidad na naghahanda sa asuntong isasampa sa kanya ng business partners ay okay sila sa simula pero kapag nagka-diskusyon na tungkol sa mga alibi ay umaayaw ang mga abogado.

“Nakaka-tatlo na, so ngayon pang-apat na kasi may gusto siya (personalidad) na ipagawa na hindi naman pasado sa lawyer kasi delikado at baka ikasira pa ng pangalan ng law firm nila.

“Ang gagaling nu’ng tatlong abogadong nakuha, mga sikat pero umayaw, sumuko na kay (personalidad),” kuwento ng aming source.

May kinalaman daw ito sa pondo at assets ng kumpanya na hindi na binanggit ng aming source kung ano ang nangyari bakit kakasuhan ang personalidad ng business partners niya.

Gulong-gulo nga raw ang isip ng personalidad sa mga nangyayari dahil bukod pala sa problema nito sa kasong kakaharapin ay may personal din siyang problema na may kinalaman sa pamilya.

Anyway, sabi ng aming source ay puputok din ang isyu ng personalidad sa lalong madaling panahon dahil ang ilan sa business partners ay may kunek sa showbiz.

Related Chika:
Gerald, Sam magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’, si Ivana pa rin ba ang leading lady?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sam Milby may warning sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi…ano kaya yun?

Ivana umaming super crush si Sam, pero takot na takot sa unang araw ng taping nila para sa ‘A Family Affair’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending