Pokwang sinagot ang nang-iintriga kung sino ang mas magaling sa kanila ni Ai Ai delas Alas | Bandera

Pokwang sinagot ang nang-iintriga kung sino ang mas magaling sa kanila ni Ai Ai delas Alas

Therese Arceo |July 26,2022
facebook
share this

Pokwang sinagot ang nang-iintriga kung sino ang mas magaling sa kanila ni Ai Ai delas Alas

Therese Arceo - July 26, 2022 - 09:08 PM

Pokwang sinagot ang nang-iintriga kung sino ang mas magaling sa kanila ni Ai Ai delas Alas
NAGSALITA na ang Kapuso actress at comedienne na si Pokwang ukol sa mga patuloy na nang-iintriga sa kanila ng kapwa Kapuso star na si Ai Ai delas Alas.

Marami kasi ang tila pinagsasabong ang dalawa kung sino nga ba ang mas magaling lalo na at parehas silang magaling sa larangan ng pag-arte at pagpapatawa.

“Naku kayo mga Marites mga chikadora kayo ha. Iniintriga niyo kami ni Ms. Ai-Ai,” saad ni Pokwang nang makapanayam siya ng GMA.

Aniya, may kanya-kanya naman silang kagalingan na nagugustuhan ng madlang pipol sa kanila kaya hindi na dapat pa silang ikumpara.

Sey ni Pokwang, “Magaling si Ms. Ai-Ai kaya nga siya Comedy Queen ‘di ba? Alam niyo na ‘yan. Meron kaming kaniya-kaniyang katangian [na] nagugustuhan ng aming mga followers na ikinatutuwa naman namin.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

 

Hindi rin naman daw makikilala ang kanilang pangalan sa industriya kung wala silang alam at galing pero gaya nga ng nayna niyang sinabi ay may kanya kanya dilang kagalingan.

“Magiging Ai-Ai ba siya kung hindi siya magaling? Magiging Pokwang ba ako kung wala rin akong alam. ‘Di ba po ganurn yon?” dagdag pa ni Pokwang.

Matatandaang noong Abril ay nauna nang maikumpara ni Audie Gemora ang dalawang Kapuso stars.

Aniya, “I always thought Pokwang funnier, more intelligent than Ai [Ai].”

Bukod pa rito ay madalas na makumpara ang dalwa dahil sa magkaibang kandidato na kanilang sinuportahan noong nagdaang eleksyon.

Si Pokwang ay isang certified Kakampink at sumuporta sa tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan samantalang si Ai Ai naman ay nagpakita ng suporta sa Uniteam o ang tambalan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Related Chika:
Hirit ni Pokwang pagkatapos ng eleksyon: Sana yung mga kamag-anak at friends na nangutang sa ‘kin bayad-bayad na rin, OK?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending