Melai, Jolens may mensahe kay Karla: Nandito lang kami para sa iyo | Bandera

Melai, Jolens may mensahe kay Karla: Nandito lang kami para sa iyo

Therese Arceo |July 23,2022
facebook
share this

Melai, Jolens may mensahe kay Karla: Nandito lang kami para sa iyo

Therese Arceo - July 23, 2022 - 09:23 PM

Melai, Jolens may mensahe kay Karla: Nandito lang kami para sa iyo

TULUYAN na ngang nagpaalam si Karla Estrada sa kanilang Kapamilya morning show nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na “Magandang Buhay”.

Nitong Biyernes, July 22 ay ang huling episode ng “Magandang Buhay” at nagbigay nga ng mensahe sina Momshie Melai at Momshie Jolina para sa kanilang kaibigan.

“Very, very happy kami Momshie Karls kasi talagang mula umpisa ito na yung kwinento mo sa amin. Nakikita namin na isinasabuhay mo yung pinagdaanan mo dati na itinuro mo sa mga anak mo hanggang ngayon isinasabuhay mo yung pagtulong,” saad ni Momshie Jolens.

Dagdag pa niya, “Hindi na yun pwede tanggalin sa iyo at hindi na yun mananakaw, totoo ka sa mga tao. Very proud kami sa iyo dahil ito ay ginagawa mo na freely and very happy kami para sayo dahil nandito ka na sa mundong gusto mo. Alam mong nandito lang kami para sayo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Pangako naman ni Momshie Melai na kahit hindi na sila magkasama sa morning show ay mananatili pa rin siyang kaibigan kay Karla at suportado nito ang kagustuhan ng kaibigan.

“Ito kasi yung gusto niya yung makatulong sa iba hindi lang dito sa Magandang Buhay kundi sa labas pa. Kami dito sa Magandang Buhay, kaibigan mo kami dito. Kahit ayaw ka namin umalis ka rito, pero ang hangad mo ‘yung kabutihan ng tao, so ito ibibigay namin sa iyo. Nandito lang kami para sa iyo,” sey ni Melai.

Labis naman ang pasasalamat ni Karla sa kanyang mga nakasama sa “Magandang Buhay” at sa lahat ng naituro ng prgrama sa kanya.

“Nag-uumapaw ang puso ko sa pasasalamat. Babaunin ko sa bagong yugto ng aking buhay ang mga itinuro ng kwento ng aking Magandang Buhay.

“Thank you Momshie Jols and Momshie Mels dahil sa journey natin na may pare-pareho tayong hinarap. Alam ko na hindi ako nawala sa isip n’yo, at kayo naman dalawa ay hindi nawala sa isip ko,” sey ni Karla.

Dagdag pa niya, “Naging mabigat ang desisyon pero mas naging matimbang ang pag-unawa ng isa’t isa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Regine tuluyan na bang papalitan si Karla sa ‘Magandang Buhay’ dahil sa pagsabak nito sa politika?

Karla Estrada may pa-farewell party sa Magandang Buhay; inalok nga ba ni Willie ng show sa AMBS 2?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending