Alodia Gosiengfiao engaged na kay Christopher Quimbo: I couldn’t believe someone like him exists
ENGAGED na ang cosplayer, model, at entrepreneur na si Alodia Gosiengfiao sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Christopher Quimbo.
Ito ang ikinagulat at ikinilig ng madlang pipol nang ibahagi ng dalaga ang magandang balita sa kanyang followers sa social media ngayong Sabado, July 23.
Isang 7-minute video ang ibinahagi ni Alodia sa kanyang YouTube channel na kuha mula sa naganap na engagement niya na agad namang nag-viral.
“We went back to my place and played piano and I sang for her. I think at that point, I knew that this would happen and now she’s my fiancè,” saad ni Christopher sa video.
Amin naman ng cosplayer, hindi na raw niya nai-imagine ang kanyang buhay nang wala ang kanyang fiancè.
“I guess I couldn’t imagine a life na without him. Everything’s just falling into place na para hindi siya pilit. Hindi siya nira-rush or something. Parang napakaganda lang. I guess it’s very pure,” paglalarawan naman ni Alodia sa kanyang nadarama sa relasyon nila ng boyfriend.
Nangako naman si Christopher na aalagaan niyang mabuti ang cosplayer at patuloy siyang magiging no. 1 fan nito.
Sumunod naman ang mga video clips ng kanilang pagsasama at mga sweet moments nila together maging ang mga larawan na kuha sa kanilang mga travel.
Base sa kwento ni Christopher, sa unang buwan pa lang ng kanilang pagkikita ay tinanong na niya si Alodia kung pwede niya itong maging girlfriend sa pamamagitan ng isang mahabang love letter kung saan pinangakuan niya ang dalaga ng mga bagay na hindi na nito sinabi sa video.
View this post on Instagram
“I couldn’t believe someone like him existed. Parang sobrang perfect fit, I guess. Naiintindihan niya ako, naiintindihan ko sita so I guess it’s nice. Maganda pala ‘yung life,” nakangiting saad ng soon to be Mrs. Quimbo.
Matatandaang noong Abril nang isapubliko ni Alodia ang kanilang relasyon nang mag-post ito sa kanyang Instagram ng larawan nila na kuha sa Palawan.
Related Chika:
Alodia Gosiengfiao spotted sa Balesin kasama ang rumored boyfriend
Alodia Gosiengfiao may pa-dyowa reveal nga ba?
Alodia nilinaw ang ‘Ako nga pala ang sinayang mo’ viral post: So sorry for the confusion
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.