Joaquin Domagoso patuloy na sinusuportahan ng fans kahit naging batang ama | Bandera

Joaquin Domagoso patuloy na sinusuportahan ng fans kahit naging batang ama

Reggee Bonoan |July 23,2022
facebook
share this

Joaquin Domagoso patuloy na sinusuportahan ng fans kahit naging batang ama

Reggee Bonoan - July 23, 2022 - 05:41 PM

Joaquin Domagoso patuloy na sinusuportahan ng fans kahit naging batang ama
“JOAQUIN Domagoso is not a matinee idol. He’s an actor! Walang mawawala sa kanya!” ito ang one-liner ng manager ng batang aktor na si Daddie Wowie Roxas.

Kasama ng kilalang manager ang alaga niyang si Joaquin na anak ni ex-Manila Mayor Isko Moreno sa launching ng Juanetworx na bagong entertainment app sa Club Filipino North Greenhills, San Juan City nitong Huwebes, Hulyo 21.

Natanong kasi si Daddie Wowie kung hindi ba makakaapekto ang pagkakaron ng anak ni Joaquin sa murang edad lalo’t nagsisimula palang ito sa kanyang showbiz career.

At sinabi nga niya na aktor si Joaquin at hindi pang matinee idol.

Binanggit ng talent manager ang mga pangalan nina Aga Muhlach at Piolo Pascual na parehong bagets pa nang malamang may anak na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)

Aniya, “Bakit si Aga? Si Piolo? Basta magaling ka lang saka iba na ang panahon ngayon Akala ko nga, baog. Hindi pala!”
At inamin na rin ng talent manager na hindi niya ipapa-interview sa media ang binatang ama.

Huwag na. Useless. Yun namang fans, hindi nagbago. Nag-support nga, e. Tuluy-tuloy naman ang trabaho niya,” sabi nito.

Ang magandang balita sa supporters ni Joaquin ay hindi siya mawawala sa showbiz dahil marami siyang trabaho at may pelikula siyang ginawa na isasali sa Metro Manila Film Festival 2022.

Anyway, ang bagong app na Juanetworkz ayon kay OWWA Deputy Arnel Ignacio ay matagal na niyang planong magkaroon ng entertainment para sa mga kababayan nating OFW para maibsan ang kanilang pangungulila at the same time ay natutulungan sila kapag may mga problema sila sa kani-kanilang mga employers o trabaho kaya isinabay na ang emergency app bukod sa entertainment.

Ang ilan sa content ng Juanetworx ay ang untold stories ni Fr. Suarez na iho-host ni Boy Abunda, The Rey Valera Story: Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Mapapanood din si Doc Willie Ong sa Ang Inyong Lingkod.

Kabilang din ang “Mga Kuwento Sa Dilim” na si Aljur Abrenica ang bida at sa Colonel na life story ni Lt. Col. Jhun Ibay Jr isa sa likod ng Juanetworx.

Join din si Chef Sheilla sa cooking show na “The Soulful Kitchen Diva”, at “The Sari-Sari Store” hosted by Bernie Batin.

Maraming nagandahan sa teaser ng “Erotixa” nina Christian Bables at Ali Forbes dahil thriller at ang aktres din ang bida sa “Ang Huling Burlesk Queen”.

Si Ms Edith Fider ng Saranggola Media ang producer at kabilang din sa consultant si Direk Joven Tan at Gregorio Serrano.

Isang daang piso ang membership fee at makaka-access na ang subscribers sa world class entertainment tulad ng movies, series, sitcoms, documentaries or visit www.juanetworx.com to register, download and install the application form and enjoy!

Related Chika:
Joaquin Domagoso bukas ang isip at puso sa pagpasok sa politika tulad ni Isko, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Payo ni Isko kay Joaquin, sundin ang ‘golden rule’ sa showbiz; JD bibida na rin sa pelikula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending