Ella Cruz nasaktan sa sinabi ni Pokwang: Naging nanay ko po kasi siya | Bandera

Ella Cruz nasaktan sa sinabi ni Pokwang: Naging nanay ko po kasi siya

Therese Arceo |July 23,2022
facebook
share this

Ella Cruz nasaktan sa sinabi ni Pokwang: Naging nanay ko po kasi siya

Therese Arceo - July 23, 2022 - 11:23 AM

Ella Cruz nasaktan sa sinabi ni Pokwang: Naging nanay ko po kasi siya

AMINADO ang kontrobersyal na aktres na si Ella Cruz na labis siyang nasaktan nang malaman niya ang mga sinabi sa kanya ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang.

Ito ay inamin ng dalaga sa kanyang naging interview kay Boy Abunda na uploaded sa kanyang YouTube channel nitong Biyernes, July 22.

Natanong kasi ni Tito Boy kung ano ang naramdaman ni Ella nang malaman niya na may mga ceebrities rin na nag-react sa kanyang controversial statement na “History is like tsismis” gaya nina Pokwang at Agot Isidro.

Umiiyak na inamin ng aktres na labis siyang nasaktan dahil hindi niya inaasahan na may mga taong naging malapit sa kanya ang nag-react ukol sa isyu.

“Sobra. Sobra. ‘Yun ‘yung mga pamilyang itinuring mo. Ang laki ng respeto ko sa kanila tapos bigla na lang… [May] nagse-send ng mga screenshot, ng mga nagtu-tweet, ng mga nagpo-post,” saad ni Ella.

Diretsahang tinanong ni Tito Boy kung nasaktan ba ito sa mga sinabi ni Pokwang na siyang gumanap bilang kanyang ina sa Kapamilya teleserye na “Aryana”.

“Hindi ko po inasahan na masasabi nya yun. Naging nanay ko po kasi siya even though 10 years ago. Okay lang yung isang tweet pero tatlo po kasi yung nakita ko,” pag-amin ni Ella.

Aniya, matatanggap niya kung isa lang ang naging tweet nito ukol sa kanya ngunit marami raw siyang nabasa pati na rin ang pakikipagsagutan ng Kapuso actress sa writer noon ng “Aryana”.

“Yung pangalawa OA na, below the belt na. Tapos yung isa, yung writer ng Aryana kasagutan nya. Naalala ko binibisita ko pa sila palago pag ka breaktime nila even afterctge show. Sobrang sakit na yung mga taong hindi mo inaasahan, sila pa yung makakapagsalita ng ganyan sayo,” pagpptuloy ni Ella.

Pupwede naman daw siyang i-text ng mga ito padalhan ng direct message sa social media pero hindi nila ginawa.

Dumating rin daw sa puntong naikumpara niya ang tweets ni Agot at Pokwang kung saan inamin niyang hindi man ganoon kalalim ang naging samahan nila ni Agot ay mas na-appreciate niya ang naging tweet nito.

“Noong nakita ko po ‘yung kay Mamang, sabi ko, ‘Bakit mas mabuti pa si Tita Agot?’ Parang she’s just trying to save me. Wala siyang sinabing masama. Sinabi niya lang na sana nag-‘no comment ka na lang pero mahal kita’. Kumbaga para bang ‘huwag mong maliin ito’ so wala akong galit o sama ng loob kay Ms. Agot kasi somehow na-appreciate ko po. Para niya akong pinapayuhan,” sagot ni Ella.

Nang tanungin naman siya ni Tito Boy kung ano ang nais niyang sabihin kay Pokwang, wala na faw siyang balak sumagot sa nasabi nito.

“Wala na lang po. Mas gusto ko na lang na ‘okay’,” umiiyak na sabi ni Ella.

Inamin rin niya na nirerespeto daw niya ang mga pananaw ng ibang tao pero nasasaktan siya kapag nakakasakit na o kapag natatapakan na ang pagkatao niya at may direktang patama na sa kanya.

“Pwede naman nila akong i-message pero hindi nila ginawa. Nakisawsaw lang sila,” sey ni Ella.

Hirit pa niya, “Handa po akong makinig e… Kasi iba-iba yung pananaw natin e. Nahahati kasi sa kulay so gusto kong maintindihan rin kung bakit nangyayro ito, kung anong mali sa nasabi ko, kung bakit lumaki ng ganito kasi hindi ko po talaga inaasahan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ella Cruz umalma sa mga bashers: Huwag n’yong idadamay ang pamilya ko

Ella Cruz basag na basag din kay Pokwang: Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat ‘Nak…nakakatalino daw yun

Ella Cruz ayaw sumabak sa sexy movies ng Vivamax: Ay, ibang level yun! Nakakaloka, hindi ko kaya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending