Ella Cruz umalma sa mga bashers: Huwag n'yong idadamay ang pamilya ko | Bandera

Ella Cruz umalma sa mga bashers: Huwag n’yong idadamay ang pamilya ko

Therese Arceo - July 08, 2022 - 01:34 PM

Ella Cruz umalma sa mga bashers: Huwag n'yong idadamay ang pamilya ko

NAGSALITA na ang dancer-actress na si Ella Cruz na ilang araw nang trending matapos ang kanyang kontrobersyal na pahayag patungkol sa mga natutunan niya sa pelikulang “Maid in Malacañang”.

Bugbog sarado nga ang aktres sa madlang pipol dahil sa sinabi niyang “History is like chismis”. Marami ang na-offend at talagang napa-react dahil kailanman ay hindi matatawag na tsismis ang nagdaang kasaysayan ng bansa.

Mula sa mga netizens, kapwa artista, mga kawani ng gobyerno, maging ang mga nag-aaral ng kasaysayan o historians ay hindi napigilan ang mainis sa pahayag ni Ella kaya hindi kataka-taka na magpahanggang ngayon ay mainit pa rin ang pangalan ng aktres sa social media.

Nanatili lang na walang imik ang aktres sa kabila ng kaliwa’t kanang pangangaral ng mga tao sa kanya at pagpapaalala na dapatvseryosohin ang kasaysayan dahil base ito sa tunay na pangyayari at hindi gaya ng tsismis na mula sa sabi-sabi at opinyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝚎𝚕𝚕𝚊 ✨ (@ellacruz)

Pero nitong July 7 ng gabi ay tila binasag na ng aktres ang kanyang katahimikan nang masali na sa usapin ang kanyang pamilya.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang screenshot ng pahayag ng isanf netizen mula sa isang Facebook group.

“Nagsalita na yung tatay ni Ella Cruz yung naka 2% lang noong eleksyon. Kaya hindi umabot ng isang libo ang bumuto sayo kasi ang turo mo wag masyado matalino sa school. Ang kailangan ng bayan natin ay matalino na kayang solusyunan ang mga problema ng bayan,” sey ng netizen.

Sinagot naman ito ni Ella at tinawag ang atensyon ng netizen na nag-post sa naturang FB group.

“Nathaniel Shawn Martin Estrella and Toni at kung sino pa, bash me all you want PERO WAG NIYONG IDADAMAY PAMILYA KO,” saad ng aktres.

Pakiusap pa ni Ella, “Have a little humanity, please.”

Matatandaang tumakbo sa pagka-alkalde ng Angat, Bulacan ang ama ng aktres noong nagdaang eleksyon ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nanalo dahil 731 lang ang botong nakuha nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ella Cruz sa mga natutunan niya sa ‘Maid in Malacañang’: History is like tsismis

Ella Cruz basag na basag din kay Pokwang: Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat ‘Nak…nakakatalino daw yun

Lolit Solis tinawag na ‘walang kwentang starlet’ si Ella Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending