Netizen mas gustong mag-Darna si Nadine Lustre kesa kay Jane de Leon, hirit ng fans: Bigyan n'yo naman ng chance! | Bandera

Netizen mas gustong mag-Darna si Nadine Lustre kesa kay Jane de Leon, hirit ng fans: Bigyan n’yo naman ng chance!

Reggee Bonoan |July 21,2022
facebook
share this

Netizen mas gustong mag-Darna si Nadine Lustre kesa kay Jane de Leon, hirit ng fans: Bigyan n’yo naman ng chance!

Reggee Bonoan - July 21, 2022 - 09:30 AM

Jane de Leon at Nadine Lustre

KASUSULAT lang namin dito sa BANDERA nitong Linggo, Hulyo 17, ang obserbasyon ng mga kaibigan naming nagpunta sa ginanap na ToyCon 2022 na ginanap sa SM Megamall.

Doon nila napanood ang pagbisita ni Jane de Leon bilang bahagi ng promo para sa “Darna” series ng ABS-CBN na mapapanood na sa Agosto.

Reaksyon ng ilang nasa event, hindi raw malakas ang dating ng aktres bilang bagong Darna sa katunayan, mas tinilian pa raw ang leading man niyang si Joshua Garcia.

Naniniwala naman kami rito dahil mas maraming babae at gays ang nasa toycon, alangan namang tilian din ang aktor ng kapwa niya mga lalaki?

Anyway, isa ang ex-“Wowowee” dancer-host na si RR Enriquez sa umayon na mahina nga ang dating ni Jane lalo’t ikinumpara siya sa mga naunang nagbida bilang Darna tulad nina Angel Locsin at Marian Rivera.

Pero sana raw ay bigyan siya ng chance base rin sa mga nabasa naming komento sa Instagram post ni RR kung saan ipinost niya ang larawan ni Jane.

Aniya, “Napanood ko din ‘yung trailer. Wala ako nakitang special sa kanya. Walang kilabot or tindig ng balahibo..

“I honestly don’t see any oozing sex appeal with her talaga… Unlike sa mga naunang Darna…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“Ang hirap naman kasi ng kalaban. Marian Rivera and Angel Locsin ba naman. Perfect sana si Liza Soberano na kahit hindi sya pa sexy pero iba ang appeal…

“Maganda naman itong batang (Jane) ito at mukhang magaling umarte pero hindi talaga nabiyayaan ng oozing appeal… Ang bland ng dating n’ya.

“Naniniwala ba kayo na may mga chararat pero ang lakas ng appeal? Huwag na ako mahiya, i-bash ko na sarili ko. Never ako nagandahan sa sarili ko. Average lang ako, pero iba ang sex appeal ko kaya ok na ako.

“So going back to Darna.. Parang mas panalo pa si Iza Calzado nu’ng nag-Darna s’ya sa truth salad.. Nasapawan talaga.

“Baka ibang project bagayan n’ya (Jane) pa, pero not Darna… In my own opinion lang yan ha.. Kanya-kanya tayo ng taste ok.

“Pero malay naman natin baka bumagay din. Gulatin na lang tayo…. Let’s give her the benefit of the doubt,” pahayag pa ni RR gamit ang hashtag #QueenSawSaweRRa.

Sabi nga ng mga komentong nabasa namin mula sa netizens ay bigyan ng chance si Jane. Ani @itsjeiem04, “Agree. Pero, ika nga sa last line mo Miss R, let us give Jane, the benefit of the doubt. Baka may pasabog nemen, hehe.”

May ibang gustong gumanap na Darna si @ohhcarol27, “Mas bet ko si Nadine Lustre.”

Certified sawsawera at Marites na rin si RR dahiil marami na raw nag-aabang sa mga komento niya sabi ni @enchantreshang, “Wow Ms. RR. marami rami din talaga nag abang sa Maritest mo kanina sa tropang lol.”

Say din ni @bheldimple, “True wala nga s’ya (Jane) dating pero maganda naman sya kaso un nga wala sya appeal sa masa iba kase talaga karisma ni Angel at Marian talaga. Iba talaga dating pag karisma kasya ganda lang.”

Suportahan na lang daw si Jane sabi ni @xandz34, “Being beautiful or handsome is different sa sex appeal, I agree. Basta support nalang and lets see (praying hands and smiling face emoji).

Naniniwala naman kami na patok sa Gen Z si Jane bilang bagong Darna dahil sino ba ang target market ngayong 2022 at laging nakatutok sa social media at online platforms?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman ang mga millennials at Gen X dahil abala sila sa kani-kanilang mga trabaho at ang Boomers 1 and 2 ay dedma naman kung sino ang gaganap as long as nae-enjoy ng kanilang mga apo.

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Jane lilipad na bilang Darna, aalis na sa ‘Probinsyano’; Bela walang isyu kina Neil at Angel

Jane de Leon pinayuhan ni Angel Locsin: Ready dapat ako anytime!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending