Jhassy Busran idol na idol si Kathryn kaya nag-artista

Jhassy Busran idol na idol si Kathryn kaya nag-artista, wish maka-work si Joshua

Reggee Bonoan |April 06,2024
facebook
share this

Jhassy Busran idol na idol si Kathryn kaya nag-artista, wish maka-work si Joshua

Reggee Bonoan - April 06, 2024 - 05:34 PM

Jhassy Busran certified KathNiel fan kaya nag-artista, wish maka-work si Joshua

Jhassy Busran

CERTIFIED KathNiel fan ang baguhang aktres na si Jhassy Busran, pero inaming si Kathryn Bernardo ang naging ispirasyon niya simula bata para ituloy niya ang pangarap na maging artista.

Bata palang daw si Jhassy ay pinapanood na niya ang “Princess and I” na umere sa Kapamilya network noong 2012 at dahil si Daniel Padilla ang reel and real loveteam ni Kathryn kaya pareho na niyang naging idolo ang dalawa.

“Doon po ako nagsimula sa ‘Princess and I’ hanggang sa naging Got To Believe (2013), nasubaybayan ko po siya hanggang ngayon po. Marami rin po akong iniidolong veteran actors,” masayang kuwento ni Jhassy nang makausap naming sa birthday party ng direktor na si Gabby Ramos kamakailan.

Biniro nga namin na pati buhok ni Kath ay ginagaya niya at natawa, “yes po, nagpakulot din ako.”

Baka Bet Mo: Baguhang young actress na si Jhassy Busran namanhid ang mukha nang sampalin ni Gladys Reyes: ‘Grabe! Sobrang saya ko po!’

Nalungkot ang aktres nang maghiwalay ang KathNiel at talagang dinamdam din niya pero wala naman siyang magawa at ayaw niyang manghusga kung sino ang may kasalanan dahil wala namang inaamin ang dalawa kung ano talaga ang rason ng paghihiwalay although maraming naglabasang balita na ang pambababae ni Daniel ang dahilan na hindi na kayang tanggapin ni Kathryn.

Pero mananatili pa ring loyal sa KathNiel si Jhassy pero kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makatrabaho ang aktres at sa aktor ay si Joshua Garcia ang bet niya.

“Kasi po I’ve seen his (Joshua) acting skills po sa mga shows niya ang sarap po sigurong maka-eksena kahit kapatid lang,” katwiran ni Jhassy.

Sa veteran actors naman ay si Mon Confiado, “alam ko po kasing marami akong matutunan sa kanila kaya mostly veterans po ang gusto kong maka-eksena,” saad ng dalaga.

Sa mga binanggit ni Jhassy ay pawang mga may best actor awards na at hindi rin naman siguro nakakahiyang humilera sa kanila ang baguhang aktres dahil sa tatlong taon palang niya sa showbiz ay nakatanggap na rin siya ng best actress awards sa labas ng bansa.

Una ang “Outstanding Actress” para sa pelikulang “Pugon” na 2021 Cinemalaya entry mula sa direksyon ni Gabby Ramos at isinali ito sa Manhattan International Film Festival 2021 sa New York City, USA.

Nakuha rin niya ang “Best Child Artist” sa Ashoka International Film Festival 2021 sa South Africa at “Best Child Actress” sa Gully International Film Festival 2021 sa Nawada, Bihar India.

Bukod sa Pugon ay napasama na rin si Jhassy sa mga pelikulang “Genius Teens,” “Caught in the Act,” “Home I Found You,” “Unspoken Letters,” “Ang Huling Sayaw ni Erlinda” at Facebook series na “Roommate.”

Ang TV guestings niya ay sa “Imbestigador,” “Pepito Manaloto,” “Bubble Gang” at iba pa.

Thankful si Jhassy sa direktor niyang si Gabby Ramos dahil sa “Pugon” kung saan siya nakatanggap ng tropeo kaya masasabi niyang ito ang kanyang mentor.

Kahit umaarte sa harap ng camera si Jhassy, hindi niya nalilimutan ang pag-aaral bilang senior high school sa FEU at plano niyang kumuha ng AB Psychology sa kolehiyo in preparation for Law.

“Gusto ko pong mag (kumuha ng) law, nagtatalo po kung I’ll take AB Political Science or AB Psy, sabi ni mama kung hindi rin naman agad ako mag-law why not take AB Psy kasi si mama graduate siya ng AB Psy at may work na. HR (Human resources) si mama, so, puwedeng ganu’n.  Actually kay mama po ako na-inspire at plan niyang mag-law,” katwiran ng 17-year old actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit namin na baka mahirapan siyang kumuha ng abogasya dahil nag-aartista siya, “hangga’t kayang pagsabayin po gagawin ko,” katwiran ng dalagita.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending