Jane de Leon pinayuhan ni Angel Locsin: Ready dapat ako anytime! | Bandera

Jane de Leon pinayuhan ni Angel Locsin: Ready dapat ako anytime!

Therese Arceo |May 20,2022
facebook
share this

Jane de Leon pinayuhan ni Angel Locsin: Ready dapat ako anytime!

Therese Arceo - May 20, 2022 - 01:27 PM

Jane de Leon pinayuhan ni Angel Locsin: Ready dapat ako anytime!

IBINAHAGI ng pinakabagong gaganap na “Darna” na si Jane de Leon na nagbigay ng mga advice at tips sa kanya ang Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Sa isang ambush interview ay ibinahagi ng dalaga ang mga payo sa kanya ng kapwa artista na isa rin sa mga sikat na gumanap bilang “Darna” noon sa GMA-7.

“May mga binigay naman siya sa ’king mga tips,” paglalahad ni Jane.

Dagdag pa niya, “Siyempre kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime.”

Pinaalalahanan rin siya ng aktres na huwag kakalimutang alagaan ang sarili.

“Sabi niya sa ’kin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest,” pagbabahagi ni Jane.

Ikinuwento rin niya na nakapag-fit na siya ng costume na talagang magiging sorpresa sa mga manonood.

 

 

“Yung ano pa nga lang po, actually yung head dress pa lang po ‘yung sinuot sa akin, mangiyak-ngiyak na po talaga ako. Umiyak po talaga ako.

“After ilang years, since 2019 po kasi ako in-announce and nasukat ko yung costume last year so doon lang po nag-sink in sa akin na ‘this is it’,” sey pa ni Jane.

Matatandaang unang inalok ang Darna role kay Liza Soberano ngunit sa kasamaang palad ay kinailangan nitong mag-back out dahil sa natamong injury sa daliri.

Isang mabigat na desisyon ang ginawa ni Liza dahil nga madalas na gagamitin ang kamay sa mga action scenes na maaring makapagpalala ng lagay ng kanyang mga daliri kaya naman kinakailangan niya talagang bitawan ang iconic role.

Matapos naman ang pag-atras ni Liza ay nagpa-audition ang ABS-CBN kung sino nga ba ang maaring pumalit at bumida sa Kapamilya TV series at dito na nga napili si Jane de Leon na pinakabagong gaganap bilang si Narda/Darna.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jane lilipad na bilang Darna, aalis na sa ‘Probinsyano’; Bela walang isyu kina Neil at Angel

Jane de Leon sumigaw na ng, ‘Ding ang bato…Darnaaaaaa!!!!’

Jane naiyak nang isuot na ang Darna costume: Totoo na po ito, hindi na prank!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending