Jane naiyak nang isuot na ang Darna costume: Totoo na po ito, hindi na prank! Bandera

Jane naiyak nang isuot na ang Darna costume: Totoo na po ito, hindi na prank!

Ervin Santiago |October 02,2021
share this

Jane naiyak nang isuot na ang Darna costume: Totoo na po ito, hindi na prank!

Ervin Santiago October 02, 2021 - 11:33 PM

Jane de Leon

NEXT month na magsisimula ang taping ng inaabangang paglipad sa ABS-CBN ng “Darna: The TV Series” na pagbibidahan ni Jane de Leon.

Aminado ang bagong Darna na halu-halo na ang emosyong nararamdaman niya ngayon habang busy na sa paghahanda para bigyang-buhay ang pagbabalik ng iconic Pinay superhero.

Matapos ang dalawang taong paghihintay, tuloy na tuloy na nga ang pagbibida ni Jane sa bagong TV version ng “Darna” at todo na ang diet at training na ginagawa niya para sa matitinding action and fight scenes na gagawin niya.

“Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs. Imagine nagwa-one rice a day lang ako. More on compound workouts ang ginagawa namin ni coach,” pahayag ng aktres sa panayam ng “TV Patrol.”

Aniya pa, “Kinikilig ako na excited na kinakabahan, sa totoo lang. Iba ‘yung pakiramdam kapag malapit na, kasi malapit na talaga kami magsimula.

“Mga Kapamilya, ito na po, magsisimula na po ang Darna. Hindi na ito prank, totoo na po ito. Kaya abangan po natin!” paniniguro pa ni Jane sa madlang pipol.

Sa katunayan, talaga raw napaiyak siya nang isukat na ang kanyang Darna costume. Marami ring nagsabi kay Jane mula sa production staff na kinilabutan din sila nang makitang suot na niya ang costume.

“Grabe! Goosebumps. Naiyak ako. ‘Yung feeling na nilalagay na sa akin ‘yung headdress, grabe! Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na,” sabi pa ni Jane.

Kasunod nito, pinasalamatan din niya nang bonggang-bongga ang produksyon ng seryeng “Ang Probinsyano” ni Coco Martin sa lahat ng natutunan niya rito.

“Super dami kong natutunan sa kanya, and hindi niya talaga ako pinabayaan sa set. Sana magkaroon pa kami ng projects together. We’re planning din naman,” pahayag ng aktres.

Bukod kina Coco, may pa-shoutout din si Jane creator ni Darna na si Mars Ravelo at sa pamilya nito bilang bahagi na rin Ravelo Month celebration ngayong Oktubre.

“Gusto kong magpasalamat kay Mars Ravelo at sa Ravelo family sa ‘di matatawarang legacy at paglikha ng Pinoy superheroes katulad ni Darna. At lubos ang pasasalamat ko sa pagtitiwala ng buong pamilya ng Ravelo sa pagbigay sa akin ng bato,” mensahe ng bagong Darna.

Next week naman ibabandera ng ABS-CBN kung sino ang napiling bagong direktor ng “Darna”.

Ang dalawang aktres na gumanap na Darna sa TV na talagang nagmarka sa mga manonood ay sina Angel Locsin at Marian Rivera.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending