Jane de Leon sumigaw na ng, 'Ding ang bato...Darnaaaaaa!!!!' | Bandera

Jane de Leon sumigaw na ng, ‘Ding ang bato…Darnaaaaaa!!!!’

Ervin Santiago |May 17,2022
facebook
share this

Jane de Leon sumigaw na ng, ‘Ding ang bato…Darnaaaaaa!!!!’

Ervin Santiago - May 17, 2022 - 11:51 AM

Jane de Leon

MAS lalo pang na-excite ang madlang pipol sa bagong TV version ng action-fantasy series na “Darna” matapos ilabas ang latest teaser nito.

Ipinakita na kasi rito ang ilang iconic scenes sa “Darna” at ang mga bagong pasabog na inihanda ng production para sa mga Kapamilya viewers all over the universe.

Makikita sa teaser-trailer ang ilang maaaksyong eksena sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pinagbibidahan nga ni Jane de Leon with Joshua Garcia, Iza Calzado and Zaijian Jaranilla.

Dito nga unang napanood ang pagsigaw ni Jane bilang Narda/Darna ng “Ding, ang bato!” na siyang hudyat ng kanyang astig na transformation bilang iconic superhero.

Makikita rin dito ang paghahagis ni Ding kay Narda ng mahiwagang bato. Si Zaijian Jaranilla ang gaganap na Ding sa serye, ang  kapatid at sidekick ni Darna.

Makikita rin sa teaser na inilabas ng ABS-CBN kahapon si Narda na binabalaan ng kanyang inang si Leonor (Iza) sa pagdating ng mga kalaban sa kanilang lugar.

Kasunod nga nito, agad na sumailalim sa matinding training si Narda kung saan ang mismong ina niyang si Leonor na siyang unang Darna ang nagturo sa kanya.

At kapag handang-handa na ang kanyang anak sa pakikipaglaban sa mga kampon ng kadiliman, ipapasa na niya rito ang mahiwagang bato na nagmula sa isang mythical warrior sa Planet Marte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Ipinasilip din sa teaser din ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” si Janella Salvador as Regina, ang abogado na nagta-transform bilang si Valentina na magiging mortal na kalaban ni Darna.

Nasa trailer din si Joshua Garcia na gaganap bilang si Brian, ang police officer na makakatrabaho ni Narda bilang EMT.

Nauna rito, ipinakita rin ng JRB Creative Production ang litrato ni Jane kung saan nakasuot na ito ng Darna costume with matching headdress pero nakabalot pa siya ng robe na tila naghihintay sa susunod niyang mga eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Directed by the award-winning veteran director Chito Roño with Avel Sunpongco, ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ay malapit nang lumipad sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Angel Locsin, Bato dela Rosa nagkita sa Leyte, netizens nag-react: Darna ang bato!

Glaiza ala-Pirena sa teaser ng Nagbabagang Luha; Kelvin sunud-sunod ang swerte

Umabot na sa 1.2 M views ang teaser ng ‘One More Chance 2’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending