Marian, Dingdong inihahanda na ang 2 anak sa ‘full face-to-face’ classes: Nakakatakot pa rin kaya dobleng ingat na lang
NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ng Kapuso celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang pagbabalik ng face-to-face classes ng kanilang mga anak.
Aminado ang mag-asawa na may takot pa rin sila na palabasin ang mga anak na sina Zia at Ziggy Dantes lalo pa’t dumarami na naman ngayon ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Ngunit sa kabila nito, mukhang desidido na si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, na magbalik na sa full capacity ang face-to-face classes sa public at private schools sa darating na Nobyembre.
Ayon kay Marian, fully-vaccinated na si Zia laban sa COVID-19 kaya medyo nabawasan na ang pangamba nila ni Dingdong kapag pumasok na sa school ang bagets.
Ito naman ang unang pagkakataon na mararanasan ng bunso nilang si Sixto ang pumasok sa eskuwelahan.
“Nakakatakot pa rin naman talaga kahit paano so, magdodobleng ingat lang talaga. Sundin na lang natin ‘yung mga protocols sa school para maiwasan din ‘yung mga ganoon.
“For example, kung inuubo o may sipon yung anak mo, huwag mo nang papasukin sa school,” lahad ng Kapuso actress at TV host.
Sa panayam naman namin kay Dingdong noong mag-presscon ang programa niyang “Amazing Earth” para sa anibersaryo nito, magkahalong kaba at excitement din ang nararamdaman niya sa face-to-face classes.
Aniya, excited siya para sa mga anak dahil after two years ay makikita na uli ni Zia ang kanyang mga kaklase nang personal habang bagong experience naman kay Ziggy ang pagpasok niya sa school.
View this post on Instagram
Sa isang panayam kay Marian, nabanggit nitong natuwa at na-excite si Zia nang sabihin nilang makakabalik lang siya sa face-to-face classes kapag fully-vaccinated na sila.
“Gusto talaga niya kasi looking forward talaga siya na mag-face-to-face na sa school. Kasi sabi ko, ‘Anak, hangga’t hindi ka fully vaccinated, hindi ka puwedeng pumasok sa school.’
“So sabi niya, ‘Mama, I want na the vaccine. I want to go to the school and face-to-face…which is ayaw naman naming ipagkait. Iba pa rin ang bata kapag may kasamang classmates, di ba?” sey ng aktres.
Inamin niyang nakararamdam din siya ng anxiety sa pagbabalik face-to-face classes ng anak, “Kailangan ko siguro i-overcome yun kasi yung anak ko, lumalaki na siya. Ayoko namang nasa bahay lang siya, di ba?
“Parang gusto ko matuto talaga siya ng totoong buhay sa labas. Hindi ko alam yung magiging feeling ko kapag binaba ko siya sa face-to-face kasi mag-isa lang ko siya na ibaba.
“Unlike before na may chaperone, ‘di ba? Plus one. You can go to school para ihatid yung anak mo. Pero this time, ida-drop mo lang siya and bahala siya pumunta sa classroom niya,” dugtong niya.
Samantala, ibinahagi rin ng DongYan sa kanilang fans ang set ng kanilang weekend sitcom na “Jose and Maria’s Bonggang Villa”.
Sa Flor’s Garden sa Antipolo sila nagsu-shoot ng kanilang show kaya para na rin silang nagbabakasyon habang nagtatrabaho.
“Sabi ko nga kay ‘Dong kapag may taping, palagi kaming looking forward na mag-taping. Excited kaming makita ‘yung lahat, especially ‘yung cast,” ani Marian sa panayam ng GMA.
“Kapag lunch, kanya-kanyang toka ng pagkain kaya walang diet-diet. Si Tito Johnny (Revilla) nga nagluluto pa rito ng pasta, siya mismo, ‘yung recipe niya, diyan sa backyard,” sey naman ni Dingdong.
“Si Mama Au (Shamaine Buencamino), din nagdala siya ng kanyang laing,” chika pa ni Marian.
“Kanya, kanya. So weekly ‘yan, may toka kung sino ang magdadala ng pagkain,” dagdag ni Dingdong.
At in fairness, mukhang kumportable na si Dingdong sa pagko-comedy. Sey nga ni Marian, “Dati parang nangangapa pa pero ngayon kapag sa set parang siya pa ‘yung excited na mag-take. Siya pa ‘yung ganoon, makikita mo. Wow, so parang mas natututo na ako sa kanya,” sey ni Marian.
https://bandera.inquirer.net/307092/marian-payag-mag-artista-ang-2-anak-nila-ni-dingdong-pero-merong-kundisyon
https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko
https://bandera.inquirer.net/294161/malakanyang-pinayagan-na-ang-face-to-face-classes-sa-iba-pang-college-degree-programs
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.