Alex Diaz tinuhog sina Adrianna So at Kych Minemoto sa 'PaThirsty', pasabog ang mga sex scenes | Bandera

Alex Diaz tinuhog sina Adrianna So at Kych Minemoto sa ‘PaThirsty’, pasabog ang mga sex scenes

Ervin Santiago |July 20,2022
facebook
share this

Alex Diaz tinuhog sina Adrianna So at Kych Minemoto sa ‘PaThirsty’, pasabog ang mga sex scenes

Ervin Santiago - July 20, 2022 - 07:46 AM

Bob Jbeili, Alex Diaz, Adrianna So, Kych Minemoto at Kate Alejandrino

HALOS lahat ng miyembro ng LGBTQIA+ community ay may representasyon sa bagong sex-comedy-drama movie na “PaThirsty”.

Napanood namin ang pelikula kagabi sa special at private screening na ginanap sa Gateway Mall cinema na dinaluhan ng halos lahat ng members ng cast.

In fairness, na-enjoy naman namin nang bonggang-bongga ang “PaThirsty”, lalo na ang pasabog na one-on-one “pageant” at mga paandar na tarayan at laglagan ng dalawang bida na sina Adrianna So at Kych Minemoto.

Ginagampanan ni Adrianna ang karakter ni Pearl, ang babaeng bakla and very supportive best friend ng beking vlogger na si Achilles played by Kych.

Ang dalawang karakter ay nagmula sa hit Boy’s Love web series na “Gameboys” na pinagbidahan nina
Kokoy de Santos at Elijah Canlas. Bukod dito, nagkaroon din ng sariling GL (Girls Love) series si Adrianna, ang “Pearl Next Door”.

At dahil nga sa success nito, ginawan na nga ng Viva Films at ng IdeaFirst Company ng pelikula sina Adrianna at Kych kasama ang hunk actor na si Alex Diaz na isa ring proud member ng LGBTQ community.

“I once again play my role as Pearl at kasama rin dito si Kych Minamoto of ‘Game Boys’ as Achilles, my best friend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Diaz (@alexandermcdizz)


“Both of us are broken hearted, coming from failed relationships that we’re both trying to forget. Sa kagustuhan kong matulungan si Achilles, I will act as a match maker for him at hahanapan ko siya ng bagong boyfriend,” kuwento ni Adrianna patungkol sa kanilang pelikula.

Dito na nga nila makikilala ang gwapo, makisig at mayamang bisexual na si Ali, ang may-ari ng bagong Sebastian Beach Resort.

Inimbitahan ni Ali sa pag-aaring resort ang grupo nina Pearl at Achilles kasama ang iba pang kasamahan nilang vloggers na sina Bunny (Chad Kinis), Faith (Kate Alejandrino) at Sean (Bob Jbeili).

At pagdating nila sa resort, magsisimula na nga ang pag-aagawan nina Pearl at Achilles kay Ali kung saan sasabak sila sa mga challenges at kung sino ang mananalo, sa kanya mapupunta ang lalaking pinag-aagawan nila.

Tagumpay ang direktor ng movie na si Ivan Andrew Payawal na siya ring nagdirek ng “Game Boys” (series and movie version) sa kanyang objective na patawanin, paiyakin, at magbigay ng inspirasyon hindi lang sa LGBTQ community kundi pati na rin sa lahat ng mga magbabarkada sa buong universe.

At in fairness, lahat ng artista sa “PaThirsty” ay magagaling at talagang nabigyan ng hustisya ang kanilang mga karakter, lalo na sina Adrianna, Kych at Alex.

Tawang-tawa rin kami sa sex scenes ni Alex kina Adrianna at Kych na siguradong magmamarka sa mga manonood. Tinuhog talaga ng hunk actor ang dalawa at pareho siyang may pasabog sa mga nasabing eksena.

Napapanood na sa Vivamax ang “PaThirsty” kaya kung gusto n’yong tumawa lang nang tumawa para makalimutan ang mga problema at sure na sure kami na matutuwa rito ang mga LGBTQIA+ members.

https://bandera.inquirer.net/314447/alex-diaz-game-na-game-sa-love-scenes-its-not-gonna-work-if-youre-not-completely-invested

https://bandera.inquirer.net/314602/alex-diaz-super-proud-sa-pagiging-bisexual-game-na-game-sa-mga-sex-scene-sa-pathirsty

https://bandera.inquirer.net/312436/bb-pilipinas-international-1994-alma-concepcion-pabor-sa-pagsali-ng-lgbtq-members-sa-mga-beauty-pageant

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending