Ella Cruz nanindigan sa 'history is like chismis', may bagong hirit: History is opinionated | Bandera

Ella Cruz nanindigan sa ‘history is like chismis’, may bagong hirit: History is opinionated

Therese Arceo - July 12, 2022 - 05:23 PM

Ella Cruz nanindigan sa 'history is like chismis', may bagong hirit: History is opinionated

PINANINDIGAN ng aktres na si Ella Cruz ang kanyang statement na “History is like tsismis”.

Muli na namang nag-trending ang aktres matapos lumabas ang video mula sa VinCentiments nitong July 10 kung saan makikitang nag-uusap sila ni Sen. Imee Marcos habang breaktime nila sa pagsyu-shoot ng pelikulang “Maid in Malacañang”.

“Mali po ba ‘yung sinabi ko na ‘History is like tsismis’? Hindi ko naman sinabi na ‘History is tsidmis’ tapos diyan na lang sila nag-focus, hindi sa paliwanag,” saad ni Ella.

Sinagot naman siya ni Sen. Imee ng “Tinanong ka bilang estudyante, tapos tinanong ka bilang artista. ‘Di ka naman sumagot bilang historian.”

Sinang-ayunan naman ni Ella ang sinabi sa kanya ng senadora at ipinaliwanag pa ang kanyang pahayag na hanggang ngayon ay kinokontra at itinatama ng madlang pipol.

“Exactly Sen. Isa pa, hindi ko naman sinabi na matalino ako, ‘di rin naman ako nagmamagaling. Pero Sen, nagbabasa naman ako no, nag-aaral naman ako. At totoo naman na ang kasaysayan ay tsismis na napatunayan dahil sa ebidensya at sa research,” pagtatanggol ng aktres sa sarili.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝚎𝚕𝚕𝚊 ✨ (@ellacruz)

 

Agree naman ang senadora at sinabing ang history raw ay tsismis na may methodology, analysis at proof.

Muli namang bumanat si Ella patungkol sa history.

“History is opinionated. Eh Hindi ka naman po puwedeng maging historian kung hindi ka marunong mag-interpret,” hirit ng aktres.

Dinugtungan naman ito ng senadora at sinabing, “At ang pag-iinterpret ay personal na pakiwari. History is opinionated because one cannot be a historian without being opinionated. Pag sarili mong interpretation edi may halo nang opinyon. Pero dapat based sa pagsasaliksik.

“Dapat agresibo rin ang mga historians na magsabi kung kailan opinyon lang nila ang pinagsusulat. Opinyon at feeling nila na wala namang evidentiary support. Yan ang tsismis.”

Agad namang umani ng mga komento mula sa netizens ang naturang pahayag ni Ella at ni Sen. Imee.

“I know naman everyone needs money para mabuhay, but working and being used by Daryl Yap ain’t it, hun Ella Cruz lol,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Alam mo Ella Cruz, mas lalo mo lang pinapahiya ang sarili mo. Sa pangalawang pagkakataon, ginagawa mong tanga ang sarili mo sa iisang paksa. Uulit-ulitin ko sa pinaka madaling pagpapaliwanag na ang tsismis ay hindi pinag-aaralan at may P.O.V palagi.”

Sey naman ng iba, mukhang nag-eenjoy ang dalaga sa mga batikos na natatanggap niya kaya dapat ay huwag na raw itong pansinin.

“I swear, Ella Cruz is just maximizing the clout for free publicity how about ignore nalang tayo? More patol more exposure,” hirit ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ella Cruz sa mga natutunan niya sa ‘Maid in Malacañang’: History is like tsismis

Lolit Solis tinawag na ‘walang kwentang starlet’ si Ella Cruz

Ella Cruz umalma sa mga bashers: Huwag n’yong idadamay ang pamilya ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending