Pokwang ipinagtanggol ng netizen sa spelling ng 'iodine': Ayun naman pala! | Bandera

Pokwang ipinagtanggol ng netizen sa spelling ng ‘iodine’: Ayun naman pala!

Therese Arceo - July 08, 2022 - 08:26 PM

Pokwang ipinagtanggol ng netizen sa spelling ng 'iodine': Ayun naman pala!
DINEPENSAHAN ng isang netizen ang Kapuso star na si Pokwang laban sa mga bumabatikos sa kanyang spelling na “iodin” nang pangaralan niya ang nakababatang aktres na si Ella Cruz.

Matatandaang noong nakaraang Sabado, July 2 nang mag-trending ang aktres uk sa kanyang naging pahayag sa mga natutunan niya sa upcoming Viva film na “Maid in Malacañang” kung saan gumanap siya bilang si Irene Marcos.

“History is like chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga… As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion,” saad ni Ella na inalmahan ng marami gaya na lang ni Pokwang.

Sa pamamagitan ng tweet ay ipinarating ni Mamang Pokie ang kanyang mensahe kay Ella na naging anak niya sa Kapamilya teleserye na “Aryana”.

“Nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang-ayon sa’yo nak dahil mali! maling mali… abuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak, mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino raw ‘yan,” saad ni Pokwang.

Marami ang nakapansin na kulang ang spelling ng komedyana sa iodine na agad pinuna ng netizens.

“O yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kaysa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! Dadamihan ko pa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?” buwelta ni Pokwang.

Isang netizen naman ang nagbahagi ng kanyang Facebook post kung saan may letrang e naman ang iodine sa sinabi niya.

“Hahahahaaa true pinuna maling spelling pero pang bababoy sa kasaysayan hindi????? Ano na???” sey ni Pokwang at ni-retweet ang sinabi ng netizen.

Nitong Hulyo 7 ay may nagtanggol sa actress-comedianne st sinabing parehas namang tama ang “iodin” at “iodine”.

Both ‘iodine” and ‘iodin’ are correct. These are alternate spellings of the same thing – just like adviser and advisor, or caliber and calibre. Iodin was just how it was commonly spelled back then, but both remain valid today,” depensa ng netizen kay Pokwang.

Ni-retweet naman niya ito at nagpasalamat.

“Ayun naman pala!!!! Salamat po… oh ayan ha… tatalino…” sey ni Mamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Pokwang nilait-lait dahil sa spelling ng ‘iodine’: Di baleng kulang sa E, kesa kulang ang kaalaman sa kasaysayan

Lolit Solis tinawag na ‘walang kwentang starlet’ si Ella Cruz

Ella Cruz basag na basag din kay Pokwang: Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat ‘Nak…nakakatalino daw yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending