Dingdong 4 years na sa ‘Amazing Earth’: Hindi lang ito trabaho sa akin, nagiging estudyante rin ako sa show na ito
HINDI lang basta trabaho para kay Dingdong Dantes ang pagiging host ng infotainment program ng GMA 7 na “Amazing Earth.”
In fairness, four years na ngayon ang “Amazing Earth” at patuloy pa rin itong namamayagpag sa ratings game kaya naman nananatili ring motivated at excited si Dingdong sa tuwing magte-taping siya para rito.
Ayon sa Kapuso Primetime King, looking forward siya lagi na mag-shoot ng bagong episodes para sa “Amazing Earth” dahil sa mga kasamahan niya sa programa.
“Aside from our very loving staff, mga masasarap katrabaho mula sa aming producer, sa aming direktor, lahat sa team na kasama namin since day one.
“Yun ang isang matinding dahilan para ma-excite ako weekly to take on this show,” pahayag ng mister ni Marian Rivera sa virtual mediacon kahapon, July 6, para sa 4th anniversary ng “Amazing Earth”.
Dagdag pa niya, “Equally as important to that is that I get to meet many other people every week.
“I get to witness their stories, I get inspired by yung mga ginagawa nila na nakamamangha para sa ating kalikasan, at hindi lang sa kalikasan pati na rin sa lipunan,” sey pa ng award-winning actor.
View this post on Instagram
Bukod dito, tulad ng reaksyon ng mga viewers, pati siya ay natututo sa bawat episode ng “Amazing Earth” tuwing Linggo.
“In the process natututo ako talaga, ang dami kong natututunan at ang dami kong baon tuwing ginagawa ko itong show na ito. Hindi lang ito trabaho para sa akin, ako’y nagiging estudyante rin ng buhay dahil sa programang ito,” paliwanag niya.
Samantala, natanong din si Dingdong kung may panawagan ba siya sa mga bagong halal na opisyal ng gobyerno para sa issue ng climate change at iba pang environmental problems.
“Tayo naman talaga ang mga tagapangalaga ng itong magagandang bagay na binigay sa ‘tin ng Panginoon. I think everyone has their own role in taking care of all these God-given gifts.
“Mapahayop man yan, mapakalikasan man yan, kahit ano man, pati itong tinatamasan nating kalayaan di ba, kailangan pangalagaan natin. Everyone should play a significant part by being responsible citizens,” pahayag pa ng aktor at TV host.
Pahabol pa niya, “Kung ang commitment mo ay pangalagaan ito, you have to choose it every day at hindi lang because of convenience.”
Para sa 4th anniversary ng “Amazing Earth”, apat na pasabog na episodes ang inihanda nina Dingdong simula sa July 10, Sunday at 5:20 p.m. sa GMA 7.
Ilang Kapuso stars din ang magkakaroon ng special participation sa mga nasabing anniversary episodes tulad nina Glaiza de Castro, Max Collins, Ruru Madrid, the Bataan Ecowarriors at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/286244/bakit-isinasama-ni-dingdong-si-zia-kapag-nagbo-voice-over-siya-sa-amazing-earth
https://bandera.inquirer.net/309864/daniel-inialay-kay-kathryn-ang-kantang-last-night-on-earth-ng-green-day-you-are-the-moonlight-of-my-life
https://bandera.inquirer.net/300212/hiling-ng-fans-sa-gma-john-lloyd-bea-dingdong-marian-pagsama-samahin-sa-teleserye
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.