Pagsakay ni Nadine ng tricycle sa Siargao pinusuan ng netizens, sey ng taga-isla: Maganda siya, mahinhin at approachable
PINUSUAN at umani ng libu-libong likes at comments ang litrato ng actress-singer na si Nadine Lustre habang nakasakay sa isang tricycle.
Mabilis na kumalat sa social media ang nasabing photo ni Nadine na ikinatuwa ng mga netizens, lalo na ng kanyang mga loyal supporters na hanggang ngayon ay buong-buo pa rin ang suporta sa kanya.
Kuha ang pagsakay ni Nadine sa tricycle sa isang lugar sa isla ng Siargao kamakailan na ipinost ng netizen sa kanyang Twitter account na may user name na @kaboodles05.
Nagpa-selfie siya sa award-winning actress nang makasabay nga niya ito sa isang tricycle. Aniya sa caption, “Quick kamustahan with president Nadine. #nadine gandaaa!”
Kasunod nito, ikinuwento ni @kaboodles05 sa kanyang mga Twitter followers ang naging experience niya nang makita up close and personal ang aktres.
Aniya, napaka-approachable raw ng dalaga at down to earth pa kaya alam na niya ngayon kung bakit napakarami pa ring sumusuporta sa kanya kahit matagal nang hindi aktibo sa pag-arte sa harap ng mga camera.
View this post on Instagram
“Sana lahat ng celebrity kasing approachable niya. Now I understand the fandom. Here’s to President Nadine!” papuri ng netizen kay Nadine.
Dagdag pang pahayag ng netizen, “Medyo pagod ata sya but she still accommodated the pic. Maganda, mahinhin at approachable.”
Sinagot din ni @kaboodles05 ang tanong ng Twitter users kung kasama ni Nadine ang boyfriend niyang si Christophe Bariou nang sumakay ito ng tricycle. Aniya, solo flight lang daw ang dalaga.
Ang bagong dyowa ni Nadine ay founder at managing director ng boutique resort sa Siargao na Maison Bukana. Sa isla sila nagkakilala nang manirahan doon ang aktres nang ilang buwan.
Simula noon, pabalik-balik na siya sa Siargao na itinuturing na niyang ikalawang tahahan. Isa rin si Nadine sa mga celebrities na tumulong sa mga tagaroon nang masalanta ito ng bagyong Odette last year.
https://bandera.inquirer.net/293677/si-nadine-lustre-na-nga-ba-ang-bagong-andi-eigenmann
https://bandera.inquirer.net/313358/nadine-inasar-ng-hater-sa-pagkatalo-ni-vp-leni-i-have-no-regrets-and-will-forever-stand-by-it
https://bandera.inquirer.net/296416/nadine-sinupalpal-ang-netizen-naghahanda-sa-pagbabalik-pelikula
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.