Angelica ibinuking ang style sa panliligaw ng dyowa: Dito po ako nadale ni Gregg sa pa-beach-beach na ganito! | Bandera

Angelica ibinuking ang style sa panliligaw ng dyowa: Dito po ako nadale ni Gregg sa pa-beach-beach na ganito!

Ervin Santiago |June 28,2022
facebook
share this

Angelica ibinuking ang style sa panliligaw ng dyowa: Dito po ako nadale ni Gregg sa pa-beach-beach na ganito!

Ervin Santiago - June 28, 2022 - 03:19 PM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

KNOWS n’yo ba na idinaan pala ni Gregg Homan sa “pa-beach-beach” ang panliligaw niya noon kay Angelica Panganiban?

Itsinika ng Kapamilya actress sa isang vlog niya sa YouTube kung paano siya napasagot ni Gregg at kung bakit siya na-in love sa tatay ng kanyang ipinagbubuntis.

Mapapanood sa vlog ng aktres at future mommy ang masaya at nakakaaliw na beach weekend getaway nila sa Subic kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Hindi pa masyadong maumbok ang tiyan ni Angelica sa nasabing video unlike ngayon na talagang bilog na bilog na ang kanyang tummy habang papalapit nang papalapit ang arae ng kanyang panganganak.

Noong March, 2022 ibinandera nina Angelica at Gregg na magiging mommy at daddy na sila at sa huli nilang vlog ay in-announce naman nila na baby girl ang ipinagbubuntis ng aktres.

Chika ni Angelica habang nagpapahinga sila ni Gregg malapit sa dalampasigan, “Dito po ako nadale ni Gregg sa pa-beach beach na ganito.”

“In-every weekend niya ako. ‘Tara Subic tayo!'” ang natatawa pang sabi ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Mas lalo pang lumakas ang tawa ni Angelica sa naging hirit ni Gregg sa sinabi niya. Sey ng tatay ng magiging first baby ni Angge, “Consistent naman po ako, ginagawa pa rin namin ‘to kahit nabuntis ko na siya.”

Pagbabahagi pa ni Angelica, talagang na-in love siya nang bonggang-bongga sa pagbabakasyon nila sa Subic. “Sino ba naman ang hindi mai-in love sa ganito? The life!”

Sey pa ni Angelica, “Ito ang aming typical beach day weekend. Pag weekends lang kami nasa dagat, sa beach, lalo na kung maganda ‘yung weather. Summer na so madalas kaming nagdadagat.

“Buti in-allow na ako ng doctor na mag-boat boat ulit. Pero magaling ‘yung driver ko, e,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Gregg sa lahat ng supporters nila ni Angge, “We’re super careful.”

Angelica ibinandera ang lumolobong baby bump; super excited nang maging mommy

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Rita Daniela diretsahang tinanong si Ken Chan: Na-in love ka ba sa akin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending