Shooting ng pelikula napurnada matapos palayasin ang produksyon sa location...anyare? | Bandera

Shooting ng pelikula napurnada matapos palayasin ang produksyon sa location…anyare?

Reggee Bonoan - June 22, 2022 - 09:36 AM

ISANG production team ang namomroblema ngayon dahil pinaalis sila sa location kung saan sila nagsu-shoot ng pelikula at ang rason ay dahil sumobra sila sa oras na umabot ng 26 hours.

Istrikto ang location sa oras ng shooting dahil ito raw ang mahigpit na bilin sa kanila na hanggang 14 to 16 hours lang talaga at hindi na puwedeng mag-extend.

Ito rin naman ang nasa aprubadong working hours ng IATF para sa shooting o taping ng pelikula at teleserye dahil nasa gitna pa rin tayo ng pandemya kahit lumuwag na ang mga health protocols.

Sinusunod naman ito ng mga taga-pelikula at telebisyon dahil isinasaalang-alang din nila ang kanilang mga production staff at mga artista para sa susunod na taping ay hindi sila mga lupaypay o ngarag.

Pero itong tinutukoy naming production team ay sinagad ang oras dahil may hinahabol daw na playdate.

Ang kaso hindi naman pala natapos kunan lahat ng eksena sa loob ng 26 hours na shoot at dahil pinaalis na sila sa location ay problemado ang producer at director dahil may continuity ito.

Iniisip nila kung paano dadayain sa ibang location ang mga nakunan sa unang location dahil mahahalata raw at pawang wide shots lahat ang kuha kahit nga big scenes lahat.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kami binabalikan ng aming source kung anong remedyo ang nagawa o gagawin ng production team sa malaking problema nila.

“Dapat kasi tapos na silang mag-shoot, e, sumobra na nga sila sa araw,” sambit ng aming source.

https://bandera.inquirer.net/285112/kilalang-aktor-tinanggihang-makasama-sa-pelikula-ang-magaling-na-komedyana

https://bandera.inquirer.net/294780/bine-baby-hugot-post-ni-kc-patutsada-nga-ba-kay-mega

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291607/payag-ka-ba-na-bakunado-lang-ang-pwedeng-manood-kapag-nagbukas-na-uli-ang-mga-sinehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending