Meryll super pa-girl nang tanungin si Joem kung kailan magpo-propose: Ayokong marinig! Gusto ko surprise! | Bandera

Meryll super pa-girl nang tanungin si Joem kung kailan magpo-propose: Ayokong marinig! Gusto ko surprise!

Ervin Santiago |June 20,2022
facebook
share this

Meryll super pa-girl nang tanungin si Joem kung kailan magpo-propose: Ayokong marinig! Gusto ko surprise!

Ervin Santiago - June 20, 2022 - 01:46 PM

Meryll Soriano, Joem Bascon at Baby Gido

PA-GIRL kung pa-girl ang drama ni Meryll Soriano nang mapag-usapan kung kailan ba balak mag-propose sa kanya ang partner na si Joem Bascon.

Marami nga ang nagtatanong kung kailan ba ikakasal sina Joem at Meryll makalipas ang ilang taong relasyon, lalo pa’t lumalaki na rin ang anak nilang si Gido.

Sa kauna-unahang pagkakataon, pumayag nga ang aktor na mag-guest sa YouTube channel ni Meryll na “Dear Mama Meme” na in-upload kahapon, June 19.

Dito nga nagkuwento si Joem tungkol sa kanyang pagiging first-time dad at isa nga sa mga tanong kay Joem ng kapatid ni Meryll na si Kei Soriano ay kung handa na ba siyang pakasalan ang aktres.

Hirit ni Kei kay Joem na bigla-biglang umapir sa camera sa isang bahagi ng vlog, “Ginising ako ni ate for this, ‘no! Ready ka na ba sa question? Kailan daw kayo ikakasal?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)


Makikita sa video si Meryll na nakatawa pero mukhang hiyang-hiya. Aniya, “Oh my God! Ano ba iyan! Huwag iyan!”

Sagot naman ni Joem, “In time, yes.” Biglang nagtakip ng tenga si Meryll sabay dialogue ng, “Ayokong marinig! Gusto ko surprise!”

Sey ni Joem sa kanya, “Surprise pa rin naman talaga siya.” Na sinagot ni Merryl ng, “Gusto mo yung girl na girl ako doon?”

Sa puntong ito, tinawag ng aktres ang anak nila ni Joem na si Gido, “Halika dito, pinapanood mo ako, ang landi ng mama mo! Tama na, ayoko noon!”

Singit ni Joem, “Kapag ano na, okay na ang lahat. At saka isa rin yun, e, kapag plinlano mo, hindi naman nangyayari. Minsan nangyayari na lang.”

At nang umapir na sa camera si Gido ang biro ni Joem, “Di ba, baby boy? Bilhan mo ako singsing, dali!”

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Meryll kay Joem sa pagiging mabuting tatay kay Gido at sa panganay niyang anak na si Eli (anak niya sa aktor na  si Bernard Palanca).

Next question kay Joem ay kung kailan niya nalaman na ready na siyang maging tatay, “Hindi ko alam noong una kasi akala ko siguro, hindi ko lang talaga natanong si Meme personally noong mga panahong nagsa-start kami kung gusto niya pa magkaroon ng baby.

“Akala ko talaga si Boo na lang, si Eli na lang yung pinaka-last na parang hanggang doon na lang.

“Pero noong nag-usap kami one time sa isang guesting namin sa isang movie namin, wala, hindi ko rin ma-explain yung feelings ko noong sinabi niya sa akin kung gusto ko raw ba magka-baby.

“Gusto kong magka-baby pero siyempre, iniisip ko noong panahon na yun, yung time na yun, age ni Meme, one.

“Pangalawa is nagsisimula pa lang kami uli after ilang years na hindi kami nagkasama,” lahad ng aktor.

Dagdag pang pahayag ni Joem, “Nasagot ni Meme lahat ng mga katanungan ko doon sa sinabi niya lang sa akin na kung gusto mo bang magka-baby and sobrang saya ko nun, parang sinabi niya, nagtatatalon daw ‘ata ako noon.”

Bigla uling humirit si Meryll ng, “Ata? Ata? Hindi mo alam? Huwag kang ano diyan!”
Tawa naman nang tawa ang aktor sabay amin na tuwang-tuwa siya nang malamang gusto pa rin ni Meryll na magka-baby, “Kasi hindi namin plinan na magka-family, e, kasi family na tayo, e.

“Parang buo na yung family namin pero to add one very kulit little boy ngayon, hindi namin napag-usapan. Basta sabi namin, sige, gusto naming magka-baby,” ani Joem na umamin ding masarap na mahirap ang maging ama.

Sabi naman ni Meryll, baka ito na raw ang huling pagkakataon na magpalaki sila ng baby, “Kaya siguro hiningi ko rin kay Papa Joem, kaya nagpapasalamat din ako sa ‘yo, kasi alam kong mahirap yung hiningi ko sa ‘yo na, ‘Puwede bang huwag muna ako mag-work?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I guess dahil alam ko na rin na last na natin to, di ba? Tama ba? Last na namin ito so hindi ko na ito ever mababalikan or mae-experience ulit so parang ang sarap-sarap namnamin, di ba?” sey pa ng anak ni Willie Revillame.

Bwelta ni Meryll sa bashers nila ni Joem: Wala akong time, nag-aalaga ako ng baby!

Joem nagpaalam muna kay Meryll bago nakipag-churvahan kina Lovi at Rhen sa ‘The Other Wife’

Promise ni Joem Bascon, hinding-hindi lalayasan ang ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending