Dingdong ibinandera ang 80-year-old lounge chair ng ama na ginamit na ‘instant crib’ noong baby pa siya
BAKIT nga ba may sentimental value sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang metal-framed lounge chair na gamit-gamit ng kanyang tatay na si José Sixto Dantes, Jr..
Kahapon, bilang bahagi ng pagse-celebrate ng Father’s Day, nag-post ng emosyonal na mensahe si Dingdong para sa kanyang tatay na si Daddy Jigg.
Idinaan ito ng award-winning Kapuso star sa kanyang Instagram account kahapon, June 19, kung saan ibinahagi niya sa kanyang followers ang litrato ng ama habang nakaupo at nagyoyosi sa 80-year-old metal-framed lounge chair.
Ayon kay Dong, tatlong henerasyon na ang pinagdaanan ng nasabing upuan na nagmula pa noong 1940. Nagsilbi rin daw itong first instant crib ng aktor nang isilang siya ni Mommy Angeline Dantes.
Narito ang kabuuang caption ng IG post ni Dong, “The Jigg Master sits on a 1940’s chair that was commissioned to my late grandfather BGeneral Sixto Dantes (WW2 officer).
“Later on, the chair was passed on to Daddy Jigg, and even became my first infant crib when I was born at Camp Crame in August 1980.
View this post on Instagram
“Some things never get old. The success of their evolution lies in the caretakers, who really appreciate their value and significance to make them count in history.
“I am always grateful to have been under the command of this fine gentleman.
“Happy Father’s Day, sa mga erpats diyan,” pahayag pa ng “Family Feud” at “Amazing Earth” host.
Sa kalakip namang video na ipinost ni Dingdong sa IG, pinatunayan niya na ang historic chair nga ang ginamit ng parents niya bilang una niyang crib.
Mapapanood nga sa video si Mommy Angeline kung paano nito alagaan noon si Dingdong as a baby at kung paano nila ginamit ang historic chair bilang crib ni “Baby Dong.”
https://bandera.inquirer.net/301052/marian-dingdong-nakauwi-na-sa-bahay-sabik-na-niyakap-ang-anak-na-sina-zia-at-sixto
https://bandera.inquirer.net/303733/dingdong-pamilya-nakipaglaban-din-sa-covid-19-na-survive-namin-ito-dahil-sa-mga-ayuda-ninyo
https://bandera.inquirer.net/299929/madam-inutz-nanganganib-mapalayas-sa-bahay-ni-kuya-di-ko-ginamit-power-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.