Giant lapu-lapu na nahuli ng mangingisda sa Palawan naibenta ng P19K: Isang biyaya mula sa Panginoon! | Bandera

Giant lapu-lapu na nahuli ng mangingisda sa Palawan naibenta ng P19K: Isang biyaya mula sa Panginoon!

Ervin Santiago - June 19, 2022 - 07:26 AM

Si Peter Beldeniza at ang nahuli niyang giant lapu-lapu

Si Peter Beldeniza at ang nahuli niyang giant lapu-lapu

NAG-VIRAL nang bonggang-bongga sa social media ang mangingisdang si Peter Beldeniza matapos makahuli ng giant lapu-lapu kamakailan sa karagatan ng Palawan.

Napanood namin ang mga litrato at video sa Facebook account ni Peter kung saan ibinandera nga niya ang nahuling dambuhalang lapu-lapu sa karagatan malapit sa Pirates Island sa Bataraza noong gabi ng May 3.

Ayon sa mangingisda na taga-Brooke’s Point, Palawan umabot sa 123 kilos ang isdang nahuli niya na naibenta niya sa halagang P19,000.  Base sa FB post ni Peter noong May 4, napakalaking biyaya para sa kanyang pamilya ang nahuling giant lapu-lapu na bihirang-bihirang mangyari sa ilang taon na niyang pangingisda.

Kuwento ni Peter, “Mag-isa lang ako na naglaot, alas-dos ng May 2. Pagdating ng gabi, nakahuli ako ng dugso.”

Aniya pa, “Ang tagal, walang kumakagat sa pain ng kawil ko. Siguro walang isda kasi nabulabog niya (lapu-lapu).”

Pero bandang 10 p.m. daw ay may biglang kumain sa kanyang kawil, “Tulingan ang pain ko, mga kalahating kilo. Pag-arya ko ng kawil, itinali ko sa palatik, tapos umikot na ang nylon.”

At tumambad nga sa kanya ang higanteng lapu-lapu na agad niyang tinalian sa panga at hinila ng kanyang bangka hanggang sa pampang.

“Hindi ko na siya kayang iakyat sa bangka. Itinali ko na lang ng tatlong lubid sa panga ng isda saka hinila ko patabi,” aniya pa.

“Masaya ako at nagpapasalamat sa Panginoon dahil nabigyan ako ng biyaya,” sabi pa ni Peter.

“Kapag may ganitong biyaya po, malaki ang pasasalamat namin sa Panginoon.

“Doble ang blessing namin kasi katatapos lang ng anak naming mag-training sa Philippine Coast Guard, kaya medyo nagkautang din kami.

“Kaya ngayon na may panibagong blessing, magbabawas na kami ng mga utang namin,” ang sabi pa ng mangingisda.

Noong 2018, nakahuli rin si Peter ng isang klase ng isda na may timbang na 40 kilos at naibenta naman niya ito ng P4,000.

https://bandera.inquirer.net/280940/vin-sophie-ipinakilala-na-sa-publiko-ang-kanilang-giant-baby-pinangalanang-avianna-celeste

https://bandera.inquirer.net/299312/jinkee-nagregalo-ng-bible-sa-mga-taga-gen-san-naibigay-ko-sa-kanila-ang-love-letter-ng-panginoon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306133/bagong-kanta-ng-mag-asawang-karylle-at-yael-alay-sa-mga-kababaihan-mangingisda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending