Premyadong aktor napasigaw sa kakulangan ng tulog; DonBelle pasabog ang aktingan sa ‘He’s Into Her’
NAGWALA ang premyadong aktor dahil tatlong araw siyang nakasalang sa shoot ng indie film na tatlong oras lang ang tulog niya.
Kuwento ng aming source, “Si (premyadong aktor) nagwala nu’ng last shooting day kasi naman inaabot ng 4AM ang tapos iko-call time ka ng 7AM? Wala silang rest day kasi hinahabol ‘yung number of days kasi nga magastos siyempre arawan di ba ang bayaran.
“Okay lang sana kung walang pisikalan sa eksena, e, meron kaya si (premyadong aktor), pagod na pagod at makikita mo talaga sa mata niya. Pero bibilib ka kasi saulo niya ang lines niya kahit pagod at antok na.
“On the 3rd day ganu’n ulit ang call time, nakiusap siya na kung puwede patulugin siya nang mas mahaba, e hindi pumayag ‘yung direktor kasi naghahabol daw.
“Nagpa-extend ng 15 minutes tulog si (premyadong aktor), kaso kinakatok na siya, so okay naman lumabas, kaso pagdating sa scene, paulit-ulit kinunan ng direktor kasi may mga napansin sa background.
“In other words, hindi kasalanan ni (premyadong aktor) kundi ng prod, so keri pa, tapos may mahabang lines, nasaulo pero kita mong naiiyak na sa pagod. E, biglang nag-cut pa si direk kasi may gusto pang ayusin, hayun, nagwarla na ang lolo mo.
“Napamura na at sabay alis pumasok sa dressing room. Sinundan ng producer at kinausap. Ang tagal nilang nag-usap tapos pinatulog muna siya ng isang oras. Pagkagising okay na, ang ganda na ng kuha kasi nakapag powernap.
“In fairness nag-sorry naman si (premyadong aktor) sa lahat sa crew at sa producer na nagpaliwanag din kasi naghahabol nga sa oras at araw. Hindi ko alam kung nag-sorry sa direktor kasi siya may palpak, eh.”
Tinanong namin kung sino ‘yung direktor, “parang first project niya ata kaya medyo nangangapa, hindi kilala.”
Binanggit din ang titulo ng movie sa amin, sa totoo lang hindi rin katanda-tanda at wala rin kami ideya kung naipalabas na o anong nangyari sa pelikula.
Pero ang bongga ng cast kasi bukod kay premyadong aktor ay premyado rin ang aktres na leading lady niya at kilala rin ang mga support.
* * *
Lubos na pinag-usapan at trending ang komprontasyon sa pagitan nina Max (Belle Mariano) at Deib (Donny Pangilinan) habang basa sa ulan matapos malaman ng binata na sangkot ang tito ng nobya sa pagkakabaril sa kapatid na si Dale (Turs Daza) sa “He’s Into Her Season 2.”
Matatandaan na isa ito sa mga eksena na labis na nahirapan sina Donny at Belle sa ikalawang season ng palabas.
“Hindi biro ‘yung pag-shoot ng scene na iyon. Umuulan kasi at isang take lang ang pwede namin gawin. Nagpractice kami magbatuhan ng lines kasi hindi na namin mababago kung ano ‘yung masasabi namin sa harap ng camera. Siniguro namin na maganda ‘yung kalalabasan ng eksena,” sabi ni Donny.
View this post on Instagram
Para naman kay Belle, worth it ‘yung pinagdaanan nilang hirap para magawa ‘yung naturang eksena. “Matapos namin makita at ma-review ‘yung buong eksena, masasabi ko naman worth it ‘yung ginawa namin,” saad ng dalaga.
Nakasama sa trending list ng Twitter ang ilang topics tungkol sa nasabing episode tulad ng HIH2 Break Hearts, #HesIntoHerS2E9, Episode 9, at #DonBelle at mahigit 500,000 tweets ang naipost ng fans tungkol dito.
Sa episode, hindi matanggap ni Deib na naitago ni Max ang katotohanan na kasama ang tito nitong si Boyet (Janus del Prado) sa pagkakabaril kay Dale lalo pa at nangako na wala silang itatagong sikreto at hindi sila magsisinungaling sa isa’t isa.
Kahit nga anong paliwanag ni Max ay hindi magawa ni Deib na makinig sa sakit na dulot ng pagtatago niya ng katotohanan. Mas lumala pa ang sitwasyon ngayong dinidiin din ng ama ni Deib na alam na ni Max ang katotohanan bago pa sila magkakilala.
Sa kabila nito, labis pa ring kinilig ang fans matapos payungan ni Deib si Max mula sa ulan at ipagtanggol ito mula sa pambubully sa kanilang eskwelahan. Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang relasyon?
Patuloy na panoorin ang tumitinding advance episodes ng “He’s Into Her Season 2” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) kada Miyerkules, 8 PM. Available rin ito kada Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang “watch now, no registration needed” feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Related Chika:
Premyadong aktres ayaw nang makatrabaho ang dating sikat na aktor na masyadong proud sa sarili
Donny, Belle nanindigan para sa mga biktima ng bullying: Hindi ito dapat tino-tolerate
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.