Kempee de Leon naglabas ng sama ng loob sa taong ‘walang paki’ sa kanya
USAP-USAPAN ang mga cryptic posts ng aktor na si Kempee de Leon patungkol sa sama ng loob na kanyang nararamdaman.
Palaisipan nga sa mga netizens na nakabasa ng kanyang Facebook post na magsimula noong June 11 kung sino nga ba ang kanyang pinatutungkulan.
“WALA NA ISIP KO LANG NARAMDAMAN AT NAPATUNAYAN: Mula nung nag-umpisa ang pandemia hanggang ngayon. Wala na palang ibang tutulong sayo kung di ang Diyos, Sarili Mo, Ibang tao at iilan na tunay mong kaibigan,” saad ni Kempee.
Pagpapatuloy niya, “At kung sino pa ang inaasahan mo…. sya/sila pa ang dedma at walang paki sayo kasi safe sila and they have everything in life!”
Ni hindi man lang daw siya maalalang tanungin kung may kailangan siya o kung kumuta ang kalagayan niya.
“Ngayon ko lang napatunayan na kanya-kanya na pala talaga ngayon. Wala ng paki sayo. At least alam ko na talaga ngayon. So be it,” dagdag pa ni Kempee.
Gumamit pa ang aktor ng mga hashtags na “#SurviveOnYourOwn” at “#SurvivalMode”.
Kahapon, June 15 ay muling naglabas ng sama ng loob si Kempee sa kanyang social media account.
Aniya may mga tao raw na “mapagpanggap” at nakakaalala lang tuwing may okasyon.
“Patawarin ako ng Diyos. Minsan lang ako magsalita pero sorry! Tama na! Nakakapagod at sawa na manahimik. Kitang kita naman sa ugali at pagkatao. Wag na mapagpanggap!” sabi ni Kempee sa ikalawang cryptic post.
“Dedmahan na lang since ganyan naman gawain nyo natitiis nyo ang tao. Makakaalala lang kayo kung may okasyon???? Pero kalagayan ng tao di nyo naaalala kung ano na etc???? Talaga ba?!?!
“Salamat na lang, at masaya naman buhay nyo kita naman. Pasalamat na lang kayo lahat na sa inyo na wala kayong pinoproblema at inaalala sa araw araw. God bless na lang. Diyos na bahala sa akin wala ng iba,” pahayag pa ni Kempee.
Muli ay gumamit ito ng mga hashtags sa post gaya ng “#RealTalkLang” at “#JustBeingREAL”.
Sumang-ayon naman ang komedyanteng si Ariel Villasanta na pinsan ng ama ni Kempee na si Joey de Leon.
“Sobrang tama yang observation mo! Kung sino yung inaasahan mo na tutulong sayo, dedma! Grabe, nakakabilib ang tigas ng kalooban. Walang konsyensya,” komento ni Ariel.
“Parang hindi pamilya. Basta ang importante, maginhawa sila. Paki nila sa atin! Tapos, yung ibang kaibigan mo, imbes na sumuporta morally, kahit hindi nasa pera eh puro kritisismo pa.
“Eh puede pa bang ibalik ang nakaraan? Hindi nakakatulong yun. Lalo lang nakaka-down yun kaya ang masasabi ko lang Kimps, ang Panginoon lang ang ang tutulong sa atin. Siya ang gagawa paraan kaya parati lang tayong makipag-usap sa Kanya,” sey pa ng tiyuhin ni Kempee.
“Kung ano man ang nakikita nyo na post tanggapin nyo ang katotohanan, hindi puedeng puro image tayo dito. Ang importante, isipin nyo rin yung mga damdamin ng kapamilya nyo. Yung mga nagsasabi na ‘I hope ur ok,’ hallller hindi nga ok di ba? Row 4!”
Bagamat wala namang pinangalanan si Kempee kung sino nga ba ang pinatutungkulan niya sa kanyang mga posts, marami sa mga netizens ang nagsasabi na marahil ang ama nitong si Joey de Leon ang pinatutungkulan niya ngunit wala naman itong kumpirmasyon.
Bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ni Kempee ukol sa kanyang cryptic posts.
Related Chika:
Julia suportado si Leon sa pagba-vlog; Juliana Gomez ‘ideal girl’ para sa kapatid
Aiko ayaw insultuhin si Jomari: Bilang single mom, iginapang ko ang anak ko para makatapos
Netizen awang-awa kay LJ, galit na galit sa mga manloloko: Ipakulam na ang mga lalaking babaero!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.