Diego Loyzaga parang naka-jackpot sa pagganap bilang Bongbong Marcos: Tawagin n'yo rin po akong loyalist! | Bandera

Diego Loyzaga parang naka-jackpot sa pagganap bilang Bongbong Marcos: Tawagin n’yo rin po akong loyalist!

Ervin Santiago - June 16, 2022 - 06:59 AM

Diego Loyzaga, Cesar Montano, Imelda Marcos at Ruffa Gutierrez

FEELING proud and excited ang hunk actor na si Diego Loyzaga sa pagkakapili sa kanya na gumanap bilang Bongbong Marcos sa pelikulang “Maid in Malacañang”.

Ito ay ididirek ng kontrobersyal na filmmaker na si Darryl Yap at tatalakay sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacañang Palace noong panahon ng People Power EDSA Revolution (Feb. 23 to Feb. 25, 1986).

Ang tatay naman ni Diego na si Cesar Montano ang napili nina Direk Darryl na gumanap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr..

Makakasama rin sa “Maid in Malacañang” sina Ruffa Gutierrez bilang First Lady Imelda Marcos, Cristine Reyes bilang Imee Marcos at Ella Cruz as Irene Marcos.

Ang tatlo namang kasambahay na gaganap sa period movie na ito ay sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo na lahat ay mga die hard supporter ni President-elect Bongbong Marcos.

Ayon kay Diego, maituturing niyang isang bonggang achievement ang gumanap bilang batang Bongbong Marcos sa isang historical movie.

“Alam ko din na darating ang araw, kung puwede kong suportahan ang pamilyang Marcos, susuportahan ko po talaga sila, at dumating po yung oportunidad na iyon,” ang pahayag ng aktor nang maging bisita siya sa isang Philippine Independence Day celebration last June 12.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)


Aniya pa, “At salamat sa Diyos, binigyan Niya ako ng oportunidad na gampanan si Presidente Bongbong Marcos sa isang role at sa isang pelikula, so I’m happy, I’m thankful to be part of this family.”

“Tawagin niyo rin po ako na loyalist po,” ang proud na proud pang sabi ni Diego.

Six months ding napahinga si Darryl Yap sa paggawa ng pelikula sa Viva Films at Vivamax dahil nag-concentrate siya sa pagtulong sa kandidatura ni Bongbong Marcos.

Kaya ang “Maid In Malacañang” ang unang project ni Direk Darryl ngayong 2022 na siguradong mababalot na naman ng kontrobersiya kapag ipinalabas na.

https://bandera.inquirer.net/315693/cristine-reyes-ella-cruz-bibida-rin-sa-pelikulang-maid-in-malacanang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/315602/diego-loyzaga-cesar-montano-bibida-rin-sa-maid-in-malacanang
https://bandera.inquirer.net/283071/sharon-game-na-game-gumanap-bilang-legal-wife-sa-pinoy-version-ng-doctor-foster

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending