Final 5 ng Adult at Teen edition ng 'PBB 10' napa-throwback sa 'Homecoming Special' | Bandera

Final 5 ng Adult at Teen edition ng ‘PBB 10’ napa-throwback sa ‘Homecoming Special’

Reggee Bonoan - June 15, 2022 - 05:42 PM

PBB Kumunity Season 10 Adult Edition Final 5

MULING nagbalik sa loob ng Bahay ni Kuya ang Final Five ng Adult at Teen edition para balikan ang kanilang naging journey sa pamamagitan ng “PBB Kumunity Season 10 Homecoming Special.”

Hindi mapigilan nina Isabel Laohoo, Nathan Juane, Zach Guerrero, Michael Ver Comaling, at Seham Daghlas mula sa Adult Edition, pati na nina Rob Blackburn, Stephanie Jordan, Gabb Skribikin, Maxine Trinidad, at Paolo Alcantara ng Teen Edition na humalakhak sa naging “throwback” na usapan kasama ang mga host na sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo.

Sa episodes na umere noong mga nakaraang weekend, inisa-isa nina Bianca at Robi ang mga highlight ng “PBB Kumunity” kabilang na ang komprontasyon na naganap sa pagitan ng adult housemates at ang house player na si Marky Miranda na binigyan ng task ni Kuya na umarte para tumaas ang tensyon sa bahay.

Sabi ng Adult Final Five, maganda ang kanilang relasyon kay Marky sa labas ng bahay ni Kuya.

“Okay na. You have to know how to move on. As for me, I don’t know for others, but I don’t dwell on problems or negative things for too long,” sabi ni “PBB Kumunity Season 10” 2nd placer Isabel, na isa sa mga naapektuhan ng pagtaas ng emosyon sa Bahay ni Kuya dahil kay Marky.

Ibinahagi rin ng Adult Final Five na nakakasama nila si Marky sa kanilang bonding moments sa outside world kabilang ang iba pang adult housemates.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pinoy Big Brother (@pbbabscbntv)


Samantala, muli ring napag-usapan nina Bianca at Robi ang viral “majoha” moment ng teen housemates.

Para kay Gabb na siyang sumagot ng “majoha” imbes na GomBurZa, nakita niya pagkalabas sa PBB house na marami ang nam-bash sa kanyang maling sagot sa history quiz.

“It’s okay para sa akin to make mistakes, pero siyempre you have to learn from it and not do the same mistakes ever again. Happy naman po ako kasi nag-improve po ako at may natutunan po ako dahil sa incident na iyon,” ani Gabb.

Napatunayan din ni Gabb na matalas ang kanyang memorya dahil siya pa ang nagwagi sa ginawang history quiz bee tungkol sa mga kaganapan sa Teen Edition.

Natuwa rin ang adult at teen housemates sa reenactment ng “PBB Kumunity” hosts sa mga hindi malilimutang eksena sa loob ng bahay ni Kuya.

Abangan naman ang kulitan ng Celebrity Final Five na sina Anji Salvacion, Samantha Bernardo, Brenda Mage, Madam Inutz, at Alyssa Valdez kasama sina Bianca at Robi sa “PBB Celebrity Homecoming” ngayong Sabado at Linggo (Hunyo 18 at 19), 7 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, at A2Z.

https://bandera.inquirer.net/301586/alexa-kd-muling-nag-bonding-sa-harap-ng-bahay-ni-kuya-3-adult-housemates-ipinakilala-na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301689/alexa-feeling-big-winner-kahit-napalayas-na-sa-pbb-i-have-done-nothing-but-show-my-true-colors
https://bandera.inquirer.net/311966/sb19-mnl48-no-1-top-trending-topic-sa-twitter-nang-pumasok-sa-pbb-house-1948sabahaynikuya-winner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending