Jake Cuenca sa netizen na nagsabing 'lalaki naman jowain mo': Pwede ka naming pagtawanan | Bandera

Jake Cuenca sa netizen na nagsabing ‘lalaki naman jowain mo’: Pwede ka naming pagtawanan

Therese Arceo |June 09,2022
facebook
share this

Jake Cuenca sa netizen na nagsabing ‘lalaki naman jowain mo’: Pwede ka naming pagtawanan

Therese Arceo - June 09, 2022 - 02:24 PM

Jake Cuenca sa netizen na nagsabing 'lalaki naman jowain mo': Pwede ka naming pagtawanan

ILANG linggo na rin ang nakalilipas buhat nang kumpirmahin ni Jake Cuenca ang break up nila ng kanyang longtime girlfriend na si Kylie Verzosa.

Agad na nag-viral ang ginawang kumpirmasyon ng aktor nang mag-post ito sa Instagram ukol sa kanilang paghihiwalay lalo na’t bago pa man ito at marami na ang kumakalat ang chikang ito na nagsasabing “on the rocks” na ang kanilang relasyon.

At ngayon nga at parehas nang nasa moving on stage sina Jake at Kylie bagamat aminado na hindi pa sila nag-uusap matapos mag-break.

Pero hindi pa rin talaga maiiwasan na may mga netizen na patuloy na nang-iintriga sa kabila ng pinagdaraanan ng dalawa.

Isang netizen ang nag-comment sa isang Instagram post ni Jake kung saan ponasasalamatan nito ang kanyang naging ka-love team na si Iza Calzado sa upcoming series nilang “K Love”.

“Sa susunod na lovelife mo @juancarloscuenca lalaki naman jowain mo malas ka sa babae sayang pang asawa kana sana haha,” saad ng netizen.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)

 

Hindi naman nakapagpigil si Jake at tinalakan ang netizen sa hindi magandang komento nito kahit na kapansin pansin na tila troll account ito dahil sa kawalan ng profile picture.

“Sa susunod mong troll account mag post ka naman ng photos para Pwede ka namin pagtawanan,” matapang na sey ng aktor.

Muli namang nag-reply ang netizen at sinabihan si Jake na hueah nang magalit dahil concern lang naman siya.

Hirit nito, “Boss wag galit agad [laughing emoji] hindi naman ako ng babash napansin ko lang kasi puro break ka lagi baka malay mo sa lalaki ka talaga lods.”

Hindi na rin sumagot ang Kapamilya actor sa reply nito.

Abril 2022 nang kumpirmahin ni Jake na masakit man ay hiwalay na sila ng actress-beauty queen. Tumagal ng tatlong taon ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging ‘politiko’

Andrea back to work na matapos magpositibo sa COVID-19

Jake Cuenca walang panahong magpakasenti sa paghihiwalay nila ni Kylie Verzosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending