Direk Joey Reyes napapayag na gumawa muli ng sexy movie para sa Vivamax: Sawang-sawa na ako sa romcom | Bandera

Direk Joey Reyes napapayag na gumawa muli ng sexy movie para sa Vivamax: Sawang-sawa na ako sa romcom

Ervin Santiago |June 08,2022
facebook
share this

Direk Joey Reyes napapayag na gumawa muli ng sexy movie para sa Vivamax: Sawang-sawa na ako sa romcom

Ervin Santiago - June 08, 2022 - 07:39 AM

Joey Reyes, Janelle Tee at Benz Sangalang

BAKIT nga ba pumayag ang award-winning direktor na si Joey Reyes na muling gumawa ng sexy movie makalipas ang mahabang panahon?

Si Direk Joey ang direktor ng upcoming Vivamax movie na “Secrets” na pinagbibidahan nina Janelle Tee, Benz Sangalang, Denise Esteban at Felix Roco.

“I always wanted to do this film, but then, it’s not like every producer will do a film like this. Kuwento ito ng mga taong may kulo.

“I always wanted to do something na very tense, very sexual, bordering on perversion, showing that what you see in people is not necessarily what you get because each and everyone of us, may secret side tayo na paminsan-minsan mo lamang makita kapag itinulak mo yung tao para ipakita kung ano yun,” simulang pahayag ng veteran director about his new film.

Patuloy pa niya, “Enjoy ako. Sawang-sawa na ako sa romcom. Sawang-sawa na ako sa pagiging pleasant. At tandaan mo, ako ang may sulat (at nagdirek) ng Live Show. Matagal-tagal na rin yun.”

Ang tinutukoy niya ay ang  controversial 2000 film na tumatalakay sa buhay ng live sex performers. Hinarang ang pagpapalabas nito sa mga sinehan ng Catholic Church.

Paliwanag pa ni Direk, “Nanggaling tayo sa pandemya na two years na, literally, natigang tayong lahat sa paggawa ng pelikula.

“Ikalawa, nag-iba na ang geography ng entertainment. Ang hirap magpabalik ng tao sa sinehan para manood ng Filipino movies.

“Dudumugin nila ang Dr. Strange, dudumugin nila ang Mission: Impossible, pero anong klaseng pelikulang Pilipino ang pupuntahan nila sa sinehan?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey Javier Reyes (@direkjoey)


“Admittedly, ang kinabukasan ng mainstream entertainment ay ang streaming. So, sabi ko, ano ngayon ang puwede kong gawin sa streaming?

“Puwede akong gumawa ng romcom, ang panglolo ng mga romcom, di ba? Isa ako sa pioneers ng romcom. Hindi sa sinasabi ko na ayaw ko nang romcom pero gusto mo naman ma-challenge.

“Yung post-coitus ko, gusto ko naman gumawa ng mga pelikula na gusto kong gawin. Now, ang itinanong naman ng iba, ‘Gagawa ka ng pelikula, gusto mo seksi ang gawin mo?’

“Hindi ito seksi, kapag sinabi mong seksi, nakikita mo lang yung paghuhubad. Ang importante, yung sinasabi ng pelikula,” aniya pa.

Isa raw sa nagkumbinsi sa kanya na muling gumawa ng sex movie ay ang premyado ring direktor na si Joel Lamangan na marami-rami na ring nagawa for Vivamax.

“Na-challenge ako kasi ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan na si Joel Lamangan ay laging gawa nang gawa sa Vivamax. Sabi niya sa akin, ‘Bakit hindi ka gumawa sa Vivamax?’

“Sabi ko, sige pag-iisipan ko. Kasi sensitibo ang gumawa ng pelikula sa Vivamax at kung gagawa ako ng ganyang pelikula, gusto ko yung naiiba.

“Gusto kong ma-challenge din ako. Gusto ko rin maka-work yung mga artista na bago. Dyusko, yung mga unang artista na idinirek ko, mga lolo na, di ba? I really wanted to do something new.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, why did I do Secrets? Well, mainly because I want to be challenged to do something new,” mariin pang sabi ni Direk Joey.

Sharon atat na atat nang gumawa ng mas maraming pelikula: Kahit ako na ang mag-produce!

Maris binansagan ni John Lapus ng ‘next romcom queen’, lelebel na kina Toni, Angelica at Regine

Ivana Alawi hindi totoong ayaw nang gumawa ng teleserye sa ABS-CBN dahil milyones na ang kinikita sa YouTube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending