Tom Rodriguez binigyan ng 'gag order' ni Carla Abellana: The truth will prevail | Bandera

Tom Rodriguez binigyan ng ‘gag order’ ni Carla Abellana: The truth will prevail

Therese Arceo - June 07, 2022 - 04:45 PM

Tom Rodriguez binigyan ng 'gag order' ni Carla Abellana: The truth will prevail

INAMIN ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez na nakatanggap siya ng “gag order” mula sa asawa at kapwa artistang si Carla Abellana.

Sa kanyang Instagram post na ngayon ay burado na, nagbahagi ng panibagong cryptic post patungkol sa pagsabog.

“Mutually assured. Things go south, mushroom clouds. No one’s left around. Money bought, power talked but no one’s listening now. And empires claimed, up in flames, burnt to the ground. History repeats, video reels going round and round,” caption ni Tom sa kanyang post.

Isang netizen naman ang naglakas loob na magtanong sa aktor ng “Why not tell the whole truth now? Why wait?”

Sagot ni Tom, “Gag order… ask THEM why.”

Isang netizen rin ang nagbigay suhestiyon na sana raw ipaglaban na lamang niya si Carla dahil mahal naman siya ng aktres.

“Hopefully you will fight for Angeline… Ipaglaban mo sya paps dahil mahal ka nun. Believe me,” sey ng netizen.

Matapang itong sinagot ni Tom at pinabulaanan na minahal siya ng aktres, “Not true. And you all know a tiny fraction of an entire story. But one day the whole truth will prevail.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

 

Matatandaan na kamakailan lang ay makikita in-unfollow na ng aktor ang kanyang estranged wife sa Instagram samantalang nananatili namang naka-follow si Carla sa account ni Tom.

May tila babala rin ang aktor sa netizen na nagbigay komento ukol sa kanilang relasyon.

Ayon sa reply niya sa isang netizen, “There’s way more to the story… and plenty of hurt going around for everyone. Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.”

Samantala, nananatili namang tahimik ang Kapuso actress ukol sa isyu at ang latest chika ay naghahanda na raw ito ng mga papeles dahil nais na nitong tanggalin ang bisa ng kanilang kasal.

Matatandaang noong Oktubre 2021 nang ikasal sina Carla at Tom sa Batangas.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!

Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending