Sue todo puri kay Diego: Lagi kong sinasabi na magaling siya, kahit ayaw niyang maniwala sa akin | Bandera

Sue todo puri kay Diego: Lagi kong sinasabi na magaling siya, kahit ayaw niyang maniwala sa akin

Ervin Santiago - June 05, 2022 - 11:04 AM

Diego Loyzaga at Sue Ramirez

PURING-PURI ni Sue Ramirez ang bago niyang leading man na si Diego Loyzaga sa latest Vivamax original movie na “How to Love Mr. Heartless.”

Ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sina Sue at Diego sa isang pelikula kaya naman excited na ang dalawa na mapanood ito ng kani-kanilang mga kaibigan at fans.

Itinuturing ni Sue na isang fun experience ang makatrabaho ang hunk actor sa “How to Love Mr. Heartless” na mapapanood na sa Vivamax simula sa June 17, sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

“It was a very, very exciting experience. I expected that Diego is really good. I heard about the projects he did with Vivamax.

“At sinasabi ko palagi na magaling siya, kahit ayaw niyang maniwala sa akin. Masaya ako na finally, I get to work with Diego after all these years of being friends with him,” pahayag ng aktres sa virtual mediacon ng nasabing pelikula.

Super happy lang daw sila habang nasa lock in shoot at never din siyang nailang o na-awkward sa mga intimate at pakilig scenes nila ni Diego sa movie kaya naman lumabas na natural na natural ang kanilang mga eksena.

“Diego would always sing. Gano’n ‘yung feel sa set, we were all very open. Pakiramdam mo mga kabarkada mo lang ang kasama mo.

“Wala kang dahilan para mahiya. Wala kang dahilan para mailang. Sobrang comfortable mo magtrabaho. Hindi namin nakakalimutan ‘yung part of having fun. Hindi namin nakakalimutan even if we were working,” chika ng Kapamilya actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


Bukod dito, matagal na rin daw silang magkaibigan ni Diego pero inamin niya na after ng kanilang shooting ay marami pa rin siyang nalaman about Diego.

“What I discovered about him while making this project, how disciplined he has become and how he has become so mature through the years.

“Natutuwa akong makita kung gaano kalaki talaga ang growth niya sa lahat ng pinagdaanan niya. I’m very proud of him because ang husay-husay niya and there’s no doubt about it. Saludo ako talaga sa kanya how disciplined he has become,” sey pa ng aktres.

Samantala, kilalanin ang misteryosong lalaking pakikiligin at paiibigin ka dahil sa kanyang unique charm at appeal — si Mr. Heartless.

Ang “How to Love Mr. Heartless” ay isang opposites-attract love story ng makulit at masayahing babae na si Yanyan (Sue) at ng snob at misteryosong lalaking si Blue (Diego).

Bilang mabait na anak at kapatid, gagawin ni Yanyan ang lahat para sa kanyang pamilya, hilig din niyang ipaghanda at ipagluto ang mga ‘to. At sa pagluluto rin siya makakaisip ng paraan para mas kilalanin pa si Blue, ang gwapong binata na madalas ay masungit at ayaw sa tao.

Pero sa isang pagkakataon na kailangan ni Yanyan ang tulong, hindi siya mag-aatubiling alagaan ang dalaga.

Magbibigay ng extra effort si Yanyan para mas magkalapit at magkapalagayan sila ng loob ni Blue dahil hindi niya makalimutan ang ginawa nito para sa kanya, at dahil hulog na hulog na rin siya sa binata.

Si Yanyan na nga ba ang muling magpapangiti kay Blue? O mapapagod at mabibigo lang din siya na makuha ang puso nito? May puso pa nga ba si Blue?

Hanggang saan nga ba ang kaya mong ibigay para sa pag-ibig? May limitations nga ba ang pagmamahal? Ihanda ang puso para sa “How to Love Mr. Heartless”, exclusively streaming sa Vivamax simula sa June 17.
https://bandera.inquirer.net/307957/sue-ramirez-inalala-ang-pagkakasakit-ng-ama-daddys-girl-kasi-ako-kaya-talagang-apektado-ako

https://bandera.inquirer.net/303416/sue-pinakakalma-ni-jodi-kapag-umiiyak-hindi-siya-nagagalit-palagi-lang-siyang-kalmado

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303623/sue-ramirez-handa-na-nga-bang-lumagay-sa-tahimik-kasama-ang-dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending