Gregg Homan isinumbong si Angelica sa madlang pipol: Alam n'yo kahit buntis, bully pa rin po siya | Bandera

Gregg Homan isinumbong si Angelica sa madlang pipol: Alam n’yo kahit buntis, bully pa rin po siya

Ervin Santiago |June 05,2022
facebook
share this

Gregg Homan isinumbong si Angelica sa madlang pipol: Alam n’yo kahit buntis, bully pa rin po siya

Ervin Santiago - June 05, 2022 - 07:22 AM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

ALIW na aliw ang mga netizens sa bagong YouTube vlog ni Angelica Panganiban kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Kasama rito ang ilang eksena nang  magpa-ultrasound ang Kapamilya actress sa kauna-unahang pagkakataon kasama si Gregg ilang araw lang matapos nilang malaman na magiging parents na sila.

May titulong “Cooking with the HOMANS”, makikitang magkasamang nagluluto sina Angelica at Gregg habang nagchichikahan about their pregnancy.

Dito makikita ang short video clip kung saan naiyak si Gregg habang nagpapa-ultrasound si Angelica. Ito’y habang nagluluto ang magdyowa ng Skillet-Roasted Lemon Chicken.

Sa isang bahagi ng vlog, nakiusap ang Kapamilya star na ipaghiwa siya ng sibuyas ni Gregg na mabilis namang sinunod ng future daddy.

“Nakakaiyak yung sibuyas. Pero, alam mo ‘yung nakakaiyak? Nu’ng nakita namin ‘yung first ultrasound namin. ‘Yun ang nakakaiyak,” pahayag ni Gregg.

At dito na nga umapir ang mga kaganapan sa una nilang ultrasound. Makikita ang aktres na nakahiga si Angelica sa hospital bed habang ginagalaw sa tiyan niya ang ultrasound scan.

Nagkatinginan na lang bigla ang live-in partners nang makita sa screen ang ultrasound ng kanilang baby sabay tawa na kilig na kilig. Makikita rin si Gregg na nagpunas ng luha dahil sa sobrang kaligayahan.

Nang bumalik na ang vlog sa kusina nina Angelica na pine-prepare na ang ilulutong manok, ginaya pa niya ang “ugly cry” ng dyowa nang makita ang kanilang baby.

Sey ni Angelica, “Paano yung iyak mo?” Tugon ni Gregg  “Ugly cry.” Na sinagot uli ng aktres ng, “Tumatawa ka nu’n e.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Samantala, hugot kung hugot pa rin si Angelica habang nagluluto. Hirit nito sa mga hinihiwang sangkap, “Sayang puwede pa yan. Dapat hindi tayo nagtatapon ng bagay-bagay. Ang hirap na ng panahon ngayon napakamahal ng gulay ng kung ano-ano.”

Sey ni Gregg sa kanya, “Gasolina ‘di ba ang mahal na?” Na sinagot ng aktres ng, “Ikaw mahal kita! Ha-hahaha!”

Nang bini-video na ni Gregg si Angelica habang ipinakikita ang proseso ng pagluluto sa kanyang  Skillet-Roasted Lemon Chicken ay bigla itong natawa ito.

Maririnig sa video si Gregg na nag-dialogue ng, “Bakit ka tumatawa? Kasi gandang-ganda ko sa ‘yo.” Sabay hirit ng aktres ng, “Ay sus, Kuhang-kuha mo na ko, okay na.”

At habang hinihintay na maluto ang kanilang recipe, muling inasar ni Angge ang dyowa, “Alam n’yo busy-busy na ‘tong si Gregg Homan kasi ang dami niya ng fans. ‘Yung bilang kong fans nasa kanya na ngayon. Artistahin!”

Bwelta naman ni Gregg, “Alam n’yo kahit buntis siya, bully pa rin po siya.”
Natatawang sagot ni Angelica, “Hindi naman yun mawawala talaga. Yun ang unang ituturo ko sa anak ko.”

In fairness, nasarapan naman si Gregg sa luto ng kanyang dyowa at sinabing puwedeng-pwede itong ilagay sa kanilang recipe box.

“Kapag may nagugustuhan siyang niluluto ko mayroon kaming recipe box dito. So, sinusulat namin lahat yun para madali kong ulitin sa kaniya. Kasi minsan tsamba lang tapos nakakalimutan ko na,” sey pa ni Angelica.

Puro positive naman ang nabasa naming comments sa vlog ng dalawa at halos lahat ay nagsasabing mukhang natagpuan na ng aktres ang kanyang “the one” na pang-forever na.

“In feyr, bagay na bagay sila and mukhang happy naman si Angge kay Gregg. Pareho silang in love na in love sa isat isa.”

“Masaya ako para sayo, Angge. Isa ako sa prayer warrior mo na makahanap ka ng totoong magmamahal sayo. In Gods perfect time pinagtagpo kayo. God bless you both.”

“Happiness is finding someone who will really makes you feel ur on top of the world. Happy, contented and at peace! Congrats Angel, you deserve to be happy. Both of you!”

“Gogogo Angge! Prove to the universe na isa kang mabuting partner at magiging mabuti ring mommy. God bless and praying for your true happiness!”

“Ganda ng vibes nyong mag jowa. Bakas sa muka nyo ang happiness at contentment. Happy for you Angge na nkita mo rin ang THE ONE mo. You deserved both each other. God bless you TWO.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halos dalawang taon na ngayong  magkarelasyon sina Gregg at Angelica at umaasa nga ang mga kaibigan at supporters ng aktres na panghabangbuhay na ang kanilang pagmamahalan.

Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita

Angelica: Magiging ganap na ina na po ako…opo, may matres ako mga baklaaah!

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending